Ex-GF, buking na labs pa rin… KEN AT JAKE, MUNTIK MAGSUNTUKAN DAHIL KAY BEA
ni Nitz Miralles @Bida | June 13, 2023

Nakita namin si Bea Binene sa mediacon ng Will You Be My Ex? at agad naming itinanong ang naging isyu ni Ken Chan at ng ex-boyfriend niyang si Jake Vargas.
Nabanggit kasi ni Ken na muntikan na silang magsuntukan ni Jake dahil niligawan niya raw ang ex-GF nitong si Bea.
Nagalit si Jake nang malaman ang tungkol dito at du’n na nga napagtanto ni Ken na may feelings pa rin ito kay Bea.
Si Bea lang ang alam naming ex-GF ni Jake, kaya tinanong namin ito kung nanligaw ba sa kanya si Ken at kung siya ba ang girl na pinag-awayan ng dalawang aktor?
Ang lakas ng sagot nitong, “Hindi ako,” at “Wala akong alam diyan.”
Humirit pa kami na siya lang ang alam naming ex-GF ni Jake na sinagot naman ni Bea ng, “Hindi n’yo alam,” at hindi na nga ito nag-elaborate pa kahit kinukulit namin.
Napanood ni Bea ang interview na ‘yun kay Ken dahil may nag-tag sa kanya, pero hindi raw talaga siya ‘yun.
Hindi raw nanligaw sa kanya ang Kapuso actor, kaya si Ken naman ang sunod naming tatanungin tungkol sa isyung ito.
Anyway, kasama si Bea sa cast ng nasabing pelikula na showing sa June 21, co-produced ng Viva Films at Firestarters Production sa direction ni Real Florido.
Thankful si Bea dahil hindi pa man ipinapalabas ang Will You Be My Ex?, may kasunod na siyang gagawing pelikula. Sa Viva Artist Agency pumirma ng kontrata si Bea, freelancer siya, kaya puwede siyang gumawa ng movies sa iba’t ibang film outfits.
The same goes sa TV projects, puwede siya kahit saang network, lalo na sa GMA Network kung saan siya nagsimula.
First time niyang makatrabaho pareho sina Julia Barretto at Diego Loyzaga and she has good words for the two.
Grateful siya sa warm welcome sa kanya ng dalawa at ng iba pang cast habang si Direk Real ay nakatrabaho na niya sa GMA at matagal na silang friends.





Comments