Ex-GF, balitang hiwalay na kay Gerald… JOSHUA, WALANG BALAK BALIKAN SI JULIA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 29, 2022

Naimbitahan si Joshua Garcia para sa golf competition sa Omega Crans Montana sa Switzerland.
Kasama ng aktor ang mga kaibigan na sina Maja Salvador at fiancé na si Rambo Nuñez at ang mag-partner na sina Sophia Andres at Daniel Miranda.
Hindi nakasama ang ibang tropa ni Joshua sa Nguya Squad na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Ria Atayde dahil busy ang mga ito sa kani-kanilang commitments.
Tanging si Joshua ang walang kasamang jowa at aniya, sana raw, sa susunod niyang mga lakad ay may makakasama na siya soon.
Napa-comment nga raw si Kathryn Bernardo na naiinggit siya dahil ang boyfriend nitong si Daniel Padilla ay mahilig ding maglaro ng golf.
Ang Omega Crans ay ang most prestigious competition sa Switzerland.
Kaya, dream come true raw na maka-witness ng ganoong golf competition.
Nag-post naman si Rambo ng kanilang group picture at nilagyan niya ng caption na Philippine Team.
Tatlong araw na mamamalagi sa loob ng competition area ang grupo kung saan napaka-VIP nila.
Imagine, sa dinner ay ka-mingle nila ang mga sikat na golfers kaya ayon kay Joshua ay sobrang excited siya.
Samantala, nagsalita na rin ang aktor sa kinakaharap na isyu ng ex-girlfriend na si Julia Barretto.
Ipinagtatanggol ni Joshua si Julia na wala naman daw katotohanang nag-break na ang aktres at ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Ani Joshua, alam daw niyang mahina ang loob ni Julia kapag ang problema nito ay tungkol sa usaping-puso.
Halatang nagke-care pa rin ang aktor sa damdamin ng ex-GF kaya may nagtanong kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila.
Nakangiting sumagot ang aktor. Aniya, enough na raw ‘yung naging parte siya sa buhay ng aktres.





Comments