top of page
Search
  • BULGAR

Ex-GF, ayaw nang nagpapaseksi… DANIEL, BINANTAANG SUSUNTUKIN SI KATHRYN, VIDEO KUMALAT

ni Julie Bonifacio @Winner | April 2, 2024




Nagkalat ang ilang kaganapan sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa Palawan.


Nandoon sina  Alden Richards at Jericho Rosales na pilit iniuugnay kay Kathryn.


Pero ni isa man sa dalawang aktor ay ‘di nakasabay ni Kathryn na sumakay sa eroplano pabalik ng Manila. 


And guess who kung sino ang kasabay ni Kathryn? 


Well, ang ex-fiancé lang naman ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.


Spotted sina Kathryn at Dom na magkasama sa domestic airport sa Palawan.


For sure, may iba pang kasama sina Kathryn at Dom sa airport pabalik ng Manila. And it’s a given na isa si  Dom sa mga loyal friends ni Kathryn.


Kaya lang ay ‘di maiiwasan na bigyan ng ibang kulay ang friendship nina Kathryn at Dom lalo pa’t  parehong hiwalay na sila sa kanilang respective partners. 


Bukod dito, minsan na ring natsismis dati na nililigawan ni Dom si  Kathryn. Eh, during that time ay nasa “himpapawid” ng kasikatan ang tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla.


Baka nga one day ay mabalitaan nating sina Kathryn at Dominic na pala ang magkarelasyon ngayon. 


And speaking of Daniel Padilla, may mga lumalabas na video sa social media tungkol sa aktor. Negatibo ang laman ng videos for Daniel.


Naglutangan sa X (dating Twitter) ang mga videos na kuha kina Kathryn at Daniel nu’ng sila pa.


Ang isang video ay kuha sa isang event kung saan nakasuot ng spaghetti strap gold gown na may mababang cleavage si Kathryn.


Kuhang-kuha sa video na pinagsasabihan ni Daniel si Kathryn na hula ng mga netizens ay may kinalaman sa suot ng aktres. At may bantang susuntukin pa si Kathryn.


Maaaring way lang ‘yun ng lambingan nina Kathryn at Daniel. Pero ‘di pa rin daw magandang tingnan na ginawa ni Daniel kay Kathryn ‘yun.


At nagduda pa ang mga netizens na baka sinasaktan daw off-cam ni Daniel si Kathryn.


Isa lang ‘yan sa mga videos na lumutang sa X na napanood namin. And for your own personal  judgement, mas better na kayo na lang ang maghanap ng video sa X.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page