Ex-GF, after umaming 3 yrs. na silang break… ENRIQUE, BINURA NA ANG “I LOVE YOU” KAY LIZA
- BULGAR
- 6 days ago
- 4 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 18, 2025

Photo: Enrique GIl - IG
Burado na nga raw ang ‘I love you’ comment ni Enrique Gil sa post ni Liza Soberano na kamakailan nga ay naging mainit na usapan dahil sa mga naging rebelasyon sa kanyang vlog.
May mga pumuri sa aktor dahil finally nga raw ay nagising na ito sa masakit na katotohanan sa sinapit ng kanyang buhay-pag-ibig at karir.
May mga nag-akusa pa kay Liza na cheater ito at nadamay ang karir ng aktor sa piniling landas niya.
Diumano ay may mga opportunities dapat na para kay Quen na nawala nang dahil sa involvement nito sa magandang aktres.
Nakakalungkot naman talaga, pero hindi fair na akusahan si Liza na ngayon lang nag-reveal ng kanyang mapapait na karanasan sa buhay.
Ayon sa aming mga common friends na noon pa may alam sa sitwasyon ng dalawa, sana nga raw ay magkapatawaran ang dating magkarelasyon sa mga nangyari sa kanila.
Busy ngayon si Quen sa ilang projects na kanyang ginagawa kasama na ang movie with Julia Barretto. May usap-usapan ding baka raw sa part 2 ng Incognito ay makasama na ito lalo’t minsan din naman silang naging close friends ni Daniel Padilla.
Ang tsismis lang na hindi namin maunawaan ay tungkol umano sa pera na na-invest din daw ni Quen sa supposedly ay kumpanya na minsan ay sinalihan ni Liza Soberano at diumano’y nabudol nga raw?
May ganu’n ba?
Sa 7 napili, binash ng netizens…
HLA MOVIE NINA ALDEN AT KATHRYN, PINALAGAN NA MAPASAMA SA OSCARS
SA inilabas namang short list ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Joey Reyes na mga possible movies for consideration para sa 2026 OSCARS, bukod-tanging matindi ang negative reaction sa Hello, Love, Again
(HLA) movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Para raw kasing naligaw lang ito sa 7 movies na posibleng pagpilian gaya ng Green Bones (GB), Magellan, Song of the Fireflies (SOTF), Food Delivery: Fresh from the West Phil. Sea (FDFFTWPS), Some Nights Feel Like Walking (SNFLW), at Sunshine.
Pawang may mga international exposure na ang mga nabanggit na movies at ang ilan pa sa kanila ay nagwagi na ng mga awards from festivals abroad at magagandang global reviews.
“Siguro, nakonsidera nila ‘yung pagiging highest grossing local film of all time ng HLA lalo’t pinag-usapan din ito ng mga Pinoy globally,” sey ng isang film critic.
But then again, ayon sa mga matitinding bumatikos at nagtataray, “Iba naman ‘yung quality sa quantity. We can’t compare the globally accepted qualities of HLA to those of 6 films na nasa short list.”
Grabe, ‘noh, short list pa lang naman ang pinag-uusapan pero may ganyang reaksiyon na, how much more kung ‘yun pa kaya ang mapipili? Hehehe!
But to be honest also at sa personal din naming pananaw bilang napanood din namin ang ilan sa mga nasa list, mukha ngang hindi bagay para i-consider ang naturang movie as Phil. official entry sa susunod na OSCARS. Ang ibig naming sabihin ay mas may iba pang deserving na mapasama sa short list kung OSCAR-bound quality ang pag-uusapan.
But then again, we have high hopes na this time ay mapasama na sana ang Pilipinas na magkaroon ng official entry na matagal na rin nating pinapangarap since decades back.
Ang GB ay ang award-winning movie na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid under Direk Zig Dulay, habang ang SOTF na nagbigay din ng Best Actress award kay Morissette Amon ay idinirek ni King Palisoc.
Hindi rin siyempre pahuhuli ang Sunshine ni Maris Racal sa direksiyon ni Antoinette Jadaone na grabe rin ang mga papuring nakuha from various international festivals. At this early nga ay matindi ang buzz sa documentary movie na FDFFTWPS ni Baby Ruth Villarama lalo’t mainit na mainit ang isyu sa West Philippine Sea.
Of course, hindi nagpapahuli ang impact ng Magellan ni Direk Lav Diaz at ang SNFLW ni Direk Petersen Vargas na matapang at mapangahas sa subject ng LGBTQIA+.
Sana nga ay mapili at maipadala ang most deserving sa kanilang lahat!
MARAMI naman ang humanga kay Marco Gallo dahil sa naging post nito tungkol sa nawalang phone ng kaibigang si Lance Carr.
Sa katatapos lang na Vivarkada concert last Friday (Aug. 15) ay nawala nga ang phone ng Viva artist na isa rin sa mga bumida sa concert.
Ang siste, tila isa nga sa mga fans na dumumog sa mga artista ang pinaghihinalaang kumuha, ayon pa sa mga lumabas na video at photos bago nawala ang nasabing phone.
Nanawagan nga si Marco para sa kaibigan lalo’t may posibilidad ngang ang isang babaeng fan ang pasimpleng dumukot nito sa bulsa ni Lance habang nakikihalubilo ito sa ibang fan.
Hinangaan ng marami ang pagiging mabuting kaibigan ni Marco at ang pagiging maayos naman nitong panawagan nang walang pagbibintang kahit pa nga malinaw sa mga lumabas na photos at video na may isang tao na sumimpleng dinukot mula sa bulsa ni Lance ang naturang phone.
Nakakaloka rin talaga ang mga nag-aastang fans, ‘noh?
Comentarios