top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Ex-Coach Baldwin, humarap na sa NBI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | June 24, 2026



Tab Baldwin - Ateneo de Manila University

Photo: File / Tab Baldwin - Ateneo de Manila University



Humarap kahapon sa National Bureau of Investigation-Homicide Division (NBI-HD) ang nagbitiw na si Ateneo coach Tab Baldwin para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili nitong Martes.


Walang ibinigay na sagot o pahayag si Baldwin sa mga pagtatanong ng media, nang dumating sa NBI headquarters sa Pasay City ala-1:45 ng hapon ng Hunyo 23, kasama ang abogadong si Atty. Karl Justine David.


Isa si Baldwin na pinadalhan ng subpoena ng NBI sa 20 indibidwal para sa fact-finding investigation sa pagkalunod at pagkamatay ng dalawang basketbolista sa team building na isinagawa sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8, 2026.


Matatandaang hindi sumipot si Baldwin sa subpoena ng NBI noong nakaraang linggo kaya nagpalabas ng warning ang NBI na maaaring maharap sa contempt proceedings ang sinumang indibidwal na pinadalhan ng notice.


Kabilang sa sisilipin sa imbestigasyon kung may paglabag sa Anti-Hazing Act at iba pang batas.


Samantala, ayon kay NBI Director Melvin Matibag, malapit nang makumpleto ang kanilang imbestigasyon at hawak na rin nila ang autopsy reports sa mga labi nina Baterbonia at Adili.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page