Ex-Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, tegi na!
ni Ka Ambo - @Bistado | March 28, 2021
Magkakasalungat ang opinyon ng mga Pinoy.
May nagpupumilit na magpa-bakuna kontra COVID.
Mayroong naka-ready na ang bakuna, pero takot na takot naman maturukan.
Ano ba talaga, Kuya?
◘◘◘
Natagpuan patay si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa kanyang selda.
Tapos na ang kanyang istorya!
◘◘◘
Nilagdaan na ni P-Digong ang CREATE act para sa mga korporasyon.
Mabuti naman!
◘◘◘
Nauubos daw ang bed capacity sa mga ospital.
Good news, makaraan ang isang taon ng pandemic—ngayon lang mauubos ang kapasidad.
Dapat noon pa ‘yan naubos, hindi ba?
◘◘◘
Sinasakop daw ng China ang Pilipinas.
Akala ko ba ay probinsiya na nila ang Maynila?
◘◘◘
Magtutungo raw ang ilang lider ng Pilipinas sa United Nations.
Hihilingin nila sa China na bigyan ng awtonomiya ang Pilipinas.
Ngek, ek-ek-ek!
◘◘◘
Bumabagsak na ang presyo ng mga condominium.
Hindi na ito puwedeng tirahan sa panahon ng pandemic.
May bahay ka, pero magpapaalam ka pa sa ibang tao para makapasok.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
Wala nang gana ang World Bank na makakarekober ang ekonomiya ng Pilipinas.
‘Yan ang isyu sa 2022 elections!





Comments