top of page

Ex-BFF, sangkot sa syndicated estafa… RITA: ‘DI NA KAMI FRIENDS NI KEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 28, 2026



BULGARY - RITA_ ‘DI NA KAMI FRIENDS NI KEN_FB Rita Daniela

Photo: FB Rita Daniela



Diretsahang sinabi ni Rita Daniela sa isang panayam na hindi na niya friend ang “aktor” na patungkol sa dati niyang ka-love team at teleserye partner na si Ken Chan.


Ayon sa Kapuso actress, wala na silang komunikasyon ngayon. Gayunman, umaasa pa rin siyang magiging maayos ang lahat at patuloy niya itong ipinagdarasal kasama ang pamilya nito.


“No, I don’t. We’re not friends anymore,” ani Rita nang tanungin kung may ugnayan pa sila.

Hindi itinanggi ni Rita ang lungkot sa pagkakasangkot ni Ken sa kasong syndicated estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office.


“S’yempre naman. S’ya ang matalik kong kaibigan at napakaespesyal na tao para sa akin. I hope na maging okay din s’ya at ang buong pamilya n’ya. Ipagdarasal ko s’ya,” pahayag ng aktres.


Aminado rin si Rita na nasorpresa siya sa balitang kinasangkutan ni Ken.

“But I don’t know. Kahit malaman ko nang maaga, makakatulong ba ako? Kaya ang pinakamagandang magagawa ko ngayon ay ipagdasal s’ya,” aniya.


Nilinaw din ng aktres na hindi pa siya nakapag-invest sa negosyo ni Ken, bagama’t plano sana nilang maging business partners noon.


Hindi rin niya itinanggi na nagkaroon sila ng personal na ugnayan.

“Of course, I’m very sad about what happened to us. Ilang taon din ‘yun. Ilang taon naming pinaghirapan kung ano ang naabot namin together as RitKen,” saad niya.



GUEST ni Toni Gonzaga sina Luis Manzano at Bayani Agbayani sa kanyang YouTube (YT) channel na Toni Talks.


‘Kaaliw ang episode dahil sa pinaghalong kulitan at seryosong usapan tungkol sa isip, puso at kaluluwa gamit ang ‘roundtable’ question cards.


Habang walang tigil sa pagbibiruan, nagbahagi rin sina Luis at Bayani ng mga kuwento tungkol sa pamilya, pananampalataya at pasasalamat.


Ayon kay Luis, ang mga simpleng sandali sa bahay ang agad na nagpapasaya sa kanya. 


Si Bayani naman, sa kabila ng mga biro ay nagbigay-diin sa pagiging mapagpasalamat sa bawat paggising.


Nagbahagi rin si Toni ng mga personal na repleksiyon tungkol sa pamilya at pagtanggap sa sarili.


Sa huli, nagtapos ang usapan sa tawanan, asaran at paalala na pahalagahan ang buhay at ang mga mahal sa buhay.



Sapol sa patutsada ni Vice sa It’s Showtime…

JANELLA, TAMAD DAW MAG-PROMOTE NG PROJECT



USAP-USAPAN online ang akusasyon laban kay Janella Salvador na umano’y ‘tamad mag-promote’ ng mga proyekto.


Naging paksa ito matapos ang pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) tungkol sa ilang artistang kulang umano sa effort sa pagpo-promote.


Pinuri ni Vice sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal dahil sa aktibong paglalako ng kanilang teleserye, dahilan para may mga netizens na maghinalang si Janella ang tinutukoy ng Unkabogable Star.


Ikinuwento ng isang netizen ang nangyari noong Dinagyang Festival sa Iloilo kung saan naroon ang cast ng What Lies Beneath (WLB).


Ayon sa netizen, bumaba ang ibang cast para sa fan service, ngunit si Janella umano ay isang kanta lang ang inawit dahil wala raw siyang boses at hindi na bumaba dahil sira raw ang sapatos.


Bagama’t inamin ng netizen na valid ang mga dahilan, hindi niya naiwasang mapaisip, lalo’t masigla raw makihalubilo sina Jake Cuenca at JM de Guzman sa mga tagahanga.

Dahil dito, lalong umugong ang espekulasyon kaugnay sa pahayag ni Vice Ganda tungkol sa mga artistang ‘tamad’ mag-promote ng serye o movie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page