Ex-BF na si Derek, 1 month nang dyowa si Ellen…ANDREA, IPINAGSIGAWANG PAHINGA MUNA SA LOVE LIFE
- BULGAR

- Feb 28, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 28, 2021

Friday nang aminin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na they are in a relationship for one month now. Friday din nang ma-interview si Andrea Torres sa 24-Oras kung saan sinabi nitong wala pa siyang balak magkaroon ng love life.
“Kung ready na ako sa love life? Hindi po muna. I want to spend special time with myself, time sa work ko at sa family na muna,” sagot ni Andrea.
Sabi ng mga netizens na nakikita ang mga videos at photos ni Andrea, mabilis naka-move on ang aktres sa breakup nila ni Derek.
Nang mag-post si Andrea ng photos niyang sexy ang outfit, naniniwala ang mga netizens, fans at friends ng Kapuso actress na wala na sa puso niya at isip si Derek.
Malaking tulong kay Andrea na sa gitna ng breakup nila ni Derek, nagte-taping siya ng Legal Wives kaya naging busy ang isip at katawan niya.
Kuwento nga nito, masaya sila sa locked-in taping. Masarap daw kasama ang kanyang mga co-stars at masarap kaeksena si Alice Dixson.
Sila naman ni Dennis Trillo ay hindi na dumaan sa awkward stage, walang ilangan lalo na at mag-asawa ang kanilang mga karakter. Okay din sila ni Bianca Umali at ng iba pang cast ng Legal Wives at excited na siyang bumalik sa locked-in taping.





Comments