top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-BF, kahit 'di naman nagsori... ANDREA, NAPATAWAD NA SI RICCI

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 2, 2023




Napatawad na raw ni Andrea Brillantes ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero. Ito ang sinabi ng dalaga sa kanyang panayam sa ABS-CBN matapos ang contract signing niya sa Kapamilya Network.


“Pero hindi po direkta, kasi wala pa po kaming usap. Pero in my heart, yes. In my heart, natanggap ko na lahat and willing to move forward with my life na po ako. So yes, I think napatawad ko na siya,” pahayag ni Andrea.


Deklara pa niya, “Kung magkikita kami, okay lang naman po sa akin ‘yun, wala akong problem with it.


“Okay akong magkita kami, kung makakausap ko siya, kung kakausapin niya ako, okay lang din po sa akin ‘yun kung meron pa siyang mga gustong sabihin.”


It’s been two months simula nang nag-break sila at ayon kay Andrea ay hindi na siya galit sa ex.



“Ay, hindi. Nagalit ako, oo. Pero matagal na panahon na po ‘yun bago pa nag-trending ang lahat ng ito. Nakailang buwan na bago n’yo nalaman lahat, tapos na ako,


“On the way na ako matapos sa lahat ng stages of grief. Nagkaroon po ako siguro ng one month talaga na mahirap para sa akin. ‘Di ba, five stages ‘yun? Per week, ibang stage ako sa loob ng isang buwan na iyon.


“Pero thank you, Lord kasi hindi ko po pinagdaanan ‘yung depression kasi, ‘di ba anger, denial, bargaining, depression and then acceptance. Na-skip ko (depression),” pahayag pa ng Kapamilya actress.


“Nawala naman na ‘yung galit sa akin surprisingly po for me. Hindi ko ‘yun in-expect kasi kilala ko ‘yung sarili ko na talagang kinikimkim ‘yung bubog or kung anumang betrayal ang matanggap ko in life.


“Pero ito, pinili ko po kasi talagang mag-reflect lang, isang linggo, ako lang, hindi ako lumabas. Wala rin akong kinausap kundi ako lang,” pagbabahagi ni Andrea.


Marami nga raw siyang naging realizations tungkol sa relationship dahil sa nangyari.


“Mas doon ko nakilala ‘yung sarili ko, ‘yung emotions ko. Masasabi ko pong nawawala talaga ang galit.


“Time heals everything. Thank you Lord, ginawa niyang one week. ‘Yung iba kasi years, buwan. After noon, nandiyan ‘yung friends ko, fans ko, ‘yung family ko na mahal na mahal ako, ‘yung network ko.


“Punumpuno ng pagmamahal kasi ‘yung buhay ko. Wala na siyang space para sa galit pa. It is what it is eh, so, whatever. Ang laki-laki ng mundo, ang saya-saya mabuhay para lang mag-waste ng galit,” pahayag ni Andrea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page