top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ex-BF, ininterbyu, sinungaling naman daw… BEA, SUMAMA ANG LOOB KAY BOY DAHIL KAY GERALD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 28, 2023




Sumama pala ang loob ni Bea Alonzo sa King of Talk na si Boy Abunda nang interbyuhin noon ng TV host ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.


Sa programang Fast Talk with Boy Abunda kung saan nag-guest ang actress, muling nabuksan ang hiwalayang Bea at Gerald.


Tinanong ng TV host kung nagtampo ba si Bea sa kanya sa nagawa niyang interview kay Gerald kahit na mainit pa ang isyu sa dalawa noon.


Pag-amin ni Bea, "Oo, kasi tao lang ako, Tito Boy. Pero I'm so glad na nasabi mo na iniisip mo 'ko, kasi 'yun 'yung tumatakbo sa isip ko nu'n na parang 'Iniisip kaya ako ni Tito Boy?'


Kung ano 'yung nararamdaman ko, and 'yun nga, it's so comforting to know that you were.


And siyempre, tao lang ako, kahit sino siguro 'yung mag-interview sa kanya that time, it would hurt, especially kung half the time, he wasn't telling the truth."


Ang tinutukoy ni Bea ay ang pagde-deny ni Gerald na ghinosting siya nito.


"Siguro, 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did," diin pa ni Bea.


Diretsahan ding sinabi ng aktres na hindi niya kayang makipagkaibigan kay Gerald gayung nagawa naman niya ito sa isa rin niyang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo dahil sa maayos nilang paghihiwalay.


Siguro, tadhana na lang ang makakapagsabi kung mapapatawad pa ni Bea ang dating boyfriend.


Hindi naman kasi mortal na kasalanan ang nagawa ng aktor sa kanya at hindi rin siya sinaktan physically.


Oo nga't nasaktan siya emotionally at para sa kanya ay mortal sin ang nagawa ng ex niya, pero sabi nga "Kung gusto mong maging lubos na masaya ay huwag mong pairalin ang galit sa dibdib."


Sa tingin namin ay pride na lang ang umiiral kay Bea.


Ayon naman sa isang netizen, "Masaya na siya sa piling ni Dominic Roque at masaya na rin naman si Gerald kay Julia Barretto. So dapat, move on ka na lang, Bea. I-look forward mo na lang ang magiging future mo kay Dom. Never look at the past. 'Yun lang, para maging lubusan kang masaya."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page