Ex-BF, ‘di raw sinusundan, Julia… BEA, MAS NAUNANG NAGKA-FARM SA ZAMBALES KESA SA RESORT NI GERALD

ni Nitz Miralles - @Bida | March 15, 2021

Ang laki ng farm ni Bea Alonzo sa San Agustin, Zambales kung saan maraming puno ng mangga atbp. pananim at kailangan pang sumakay ng golf cart para maikot ito. Organic farm daw ito at tinawag ni Bea na Beati Firma.
May napanood pa kaming video na enjoy na enjoy si Bea sa pagha-harvest ng mangga.
Bukod sa mga puno ng mangga, may alaga ring cows, pigs and goats sina Bea at baka pati manok, meron din.
Maganda ang rest house ni Bea at may swimming pool pa at dahil malapit lang ang Zambales, kapag walang ganap, tiyak na nasa Beati Farm siya.
May netizen naman na nagtanong kung sinundan ba ni Bea si Gerald Anderson na may private resort sa Botolan, Zambales at fans na rin ng aktres ang sumagot na naunang nabili ang kanyang farm noon pang 2011 kesa sa Hayati Private Resort ng aktor.
Na-curious kami dahil parehong nasa Zambales ang mga properties nina Bea at Gerald kaya nag-Google kami to know kung magkalayo ba ang San Agustin at Botolan. As per Google, nauuna ang San Agustin at madadaanan pa ang Iba bago ang Botolan.
Hindi naman siguro magkikita sa daan sina Bea at Gerald, ‘no?





Comments