Ex-bayaw, love na love… CLAUDINE, INIYAKAN ANG PAGKIKITA NILA NI DENNIS
- BULGAR
- Jun 19, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 19, 2023

Naging emosyonal si Claudine Barretto nang muli silang magkita ni Dennis Padilla sa dedication event ng kanyang mga anak. At dito nga, mahigpit na nagyakapan ang dalawa.
Matatandaang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram ang mga pictures nila ng panganay na anak na si Sabina nu’ng gumradweyt ito. Nag-iwan ng magandang mensahe si Dennis sa naturang post ng aktres.
Pinasalamatan naman ni Claudine ang ex-bayaw na comedian-actor at sey pa niya, “@dennisastig, Thank you so much, Kuya. May scholar na ako, si Sab, and Santino has 9 awards. Thank you so much for loving my kids hanggang ngayon. We love you, Kuya!”
Kamakailan nga ay ishinare ng aktres ang video ng muli nilang pagkikita ni Dennis na may kasamang napakahigpit na yakapan. Niyakap din ng comedian-actor ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina.
Ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang IG post: “With my Kuya! I love you so much, my Kuya.”
Naantig ang puso ng maraming netizens sa napaka-touching na muling pagkikita ng dalawa.
“Love the genuine love of this two. Claudine having no brother to look up but there’s Dennis.
SML (so much love).”
“Wala kang puso kung hindi ka maiiyak ‘pag napanood mo ‘to.”
“Naiyak naman ako sa pagmamahal ni Claudine kay Dennis bilang kuya.”
Kommentare