top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Ex at kakambal ni Mavy… KYLINE AT CASSY, TODO-DEDMAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 15, 2026



Kyline Alcantara at Cassy Legaspi - Instagram

Photo: FB AJ Raval & Kylie Padilla



Close talaga ang twin sister ni Mavy Legaspi na si Cassy sa GF nitong si Ashley Ortega. Nagkita ang dalawang girls sa Mega Ball at hindi lang nagbeso ang dalawa, nagtsikahan din sila. 


Nasulat na dati ang closeness ng dalawa at may naging pahayag pa si Cassy na she’s happy na si Ashley ang GF ng twin brother niya.


Nasa Mega Ball din si Kyline Alcantara na ex ni Mavy, pero hindi nagkita-kita ang tatlo.


Mahusay ang in-charge sa seating arrangement at hindi pinagtabi-tabi ang tatlo. Pero maganda sana kung magkakatabi ang table nila para makita kung magbabatian ba sila.


Sina Ashley Ortega at Kyline Alcantara, nagbabatian, at sabi nga ni Ashley, wala silang isyu sa isa’t isa. Sina Cassy at Kyline ang hindi friends at hindi natin alam kung bakit at kahit parehong Kapuso talents, hindi pa rin sila close.





NAGALIT na naman ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil ipinost ng Bench ang video at photos ni David sa Bench Hyrox event kung saan makikita ang GF nito na si Alex Manalang na nagtsi-cheer sa kanya.


Bakit daw kailangang i-post ang video ni David with Alex? 

Ang sagot ng nag-post, sa Bench sila magalit dahil ito ang talagang nag-post ng video na pinag-aawayan na naman ng BarDa fans.


May ilang BarDa fans kasi na pilit pinapaniwala ang sarili na may relasyon sina Barbie at David at kahit ilang ebidensiya pa ang ilatag sa kanila, hindi pa rin naniniwala na GF ni David si Alex. Bakit daw hindi pa inaamin ni David na may GF na siya?


Ang sagot, hindi na kailangang aminin pa ni David in public ang relasyon nila ni Alex dahil ipinapakita na nila ito. Ang mga bulag at in denial lang daw na BarDa fans ang hindi naniniwalang may GF si David at hindi si Barbie iyon.


Anyway, may bago na namang business si David at ang kanyang pamilya at ito ay ang Oppa Ride, isang ride-hailing service operating in Palawan. 


Malaking tulong ito sa mga locals at mga turista ng Palawan and who knows, baka dalhin ng mga Licauco ang Oppa Ride sa Metro Manila.


Nabanggit na dati ni David Licauco sa isang interview na habang wala siyang bagong project, focused muna siya sa kanyang sariling business at sa negosyo ng kanilang pamilya.





Ipinakilala sa mga BFF…

DANIEL, SUPER-TANGGAP NA NG TATAY NI KAILA NA SI JOHN



BIRTHDAY ni John Estrada noong June 13 at sa isang birthday dinner, nakasama nito ang mga anak at ang kani-kanilang partner ng mga ito. 

Present sa birthday dinner si Kaila Estrada at ang boyfriend na si Daniel Padilla, pati na si Jake Vargas na partner ni Inah de Belen, at nasa party din ang fiancé ni Moira Estrada.


Ang wala na lang kasamang karelasyon ay ang bunso ni John kay Janice de Belen na si Yuan Estrada at ang daughter nina John at Priscilla Meirelles na si Anechka. 

Sa mga videos na aming napanood, makikita ang closeness ng mga anak ni John sa isa’t isa at closeness nila sa ama.


Sa isang video, makikitang tinawag ni John si Daniel at tila ipinakilala sa kanyang kaibigan. Kinamayan ni Daniel si John na sabi ng mga fans, future father-in-law ng aktor. 


Maririnig ang sinabi ni Daniel kay John na, “You are loved, man,” “I love you, man,” at “I love you.”


Naka-post sa Instagram (IG) ni John ang photo sa birthday party niya kasama ang mga anak at partners ng mga anak. Ang caption niya ay: “Celebrating life with my tribe. Thank you, Lord Jesus.”


Masaya ang mga fans ni Daniel para sa kanya dahil masaya ang love life nito at tanggap siya ng pamilya ni Kaila. Ang dasal ng mga fans, si Kaila na ang maging endgame nito.


Samantala, nagsimula na pala ang taping ni Daniel ng bago nitong action series sa Kapamilya Channel na sabi ng mga fans ay Book 2 ng Incognito. Kasama pa rin ni Daniel si Kaila at si Ian Veneracion. Inaabangan na ito ng mga fans dahil nang gawin nina Daniel at Kaila ang Incognito, hindi pa sila magdyowa at hindi pa nga nagpapansinan. 


Ngayon, magkasintahan na sila at maganda raw sana kung pati sa story ng series, palabasing may relasyon din sila para may kilig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page