top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Ex at bagong misis… MICHELLE AT REGINE, NAG-IYAKAN NANG UNANG MAG-USAP TUNGKOL KAY OGIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 31, 2022



Maganda ang video interview ni Celeste Tuviera kay Regine Velasquez sa YT channel nito at ang ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle Van Eimeren ang binanggit ni Regine na isa sa mga rason kung bakit nagwo-work ang kanilang blended family.


Kuwento ni Regine, nag-effort sina Ogie at Michelle na maging maayos ang kanilang relasyon at sumunod noon, nag-usap sina Regine at Michelle.


“Dalawa sila actually, si Michelle at si Ogie. Silang dalawa talaga. Maraming beses niyang kinausap si Michelle. Then finally, nu'ng feeling niya, puwede na akong ipasok, isinama niya ako sa Australia. Michelle and I were able to talk. Nag-iyakan. Walang panunumbat whatsoever,” sabi ni Regine.


Actually, lahat sila ay nag-effort para maging maayos ang kanilang blended family, kaya nakakapagbakasyon sa Australia sina Regine, Ogie at anak nilang si Nate.


Nakakapagbakasyon din sa bansa ang mga anak nina Ogie at Michelle at dito na nga nakatira ang panganay nina Ogie at Michelle na si Leila.


Samantala, mabilis na namatay ang isyung hiwalay na sina Regine at Ogie, pinagtawanan lang ng mag-asawa. Pinayuhan din ni Ogie si Regine na dedmahin ang isyu na ginawa naman ni Regine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page