top of page

EUGENE, NAG-DEMAND NG MATAAS NA TF SA TV5, PINALITAN NI KARLA SA F2F

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 20, 2023



Marami ang labis na nanghihinayang na pinakawalan pa ni Eugene Domingo ang offer sa kanya noon ng TV5 na maging host ng programang Face 2 Face na ngayon nga ay napunta kay Karla Estrada.


Masyado raw mahal ang talent fee ni Eugene at ito nga ang dahilan kung bakit hindi sila nagkasundo sa negosasyon ng TV5.


Ayaw diumanong pumayag ni Eugene na babaan o bawasan ang kanyang talent fee at talagang pinanindigan nito ang gusto niyang presyo.


Maganda pa naman sanang exposure ang programang Face 2 Face para kay Eugene.


Tingnan na lang niya si Amy Perez na bumongga ang career pagkatapos maging host ng nasabing programa.


Malaki sana ang maitutulong ng nasabing show sa career ni Eugene, lalo na at wala na siyang programa ngayon sa GMA-7.


Nagtataka naman ang ilang netizens kung bakit tinanggap ni Eugene ang pelikulang Here Comes The Groom kahit na hindi siya ang bida rito.


Dati-rati ay palagi siyang lead role sa mga pelikula niyang napasama sa mga film festivals. Pero, sa pelikulang Here Comes The Groom ay kapitana sa barangay ang kanyang role.


Tanong, kaya ba hindi siya naging choosy na tanggapin ang pelikulang ito ay dahil pinagbigyan niya lang ang kaibigang si Direk Chris Martinez?!


Well, sey naman ng ilang showbiz observers, at this point in her life, hindi na dapat nagde-demand nang mataas na talent fee ang isang veteran actress-host. Eh, kung si Nora Aunor nga na Superstar na at National Artist pa ay nag-a-adjust ng talent fee sa mga producers na kumukuha sa kanya.


Hindi naman ito nangangahulugan na demotion sa kanyang showbiz career. Ang ibig sabihin nito ay pakikisama!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page