top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

EUGENE AT DOLLY, MAGSASAMA SA STAGE PLAY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 6, 2023



Mismong si Eugene Domingo ang nagkumpirma na may project silang pagsasamahan ng BFF niyang si Dolly de Leon.


Binanggit ito ni Eugene nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda.


Ayon sa komedyana, isang stage play ang kanilang gagawing proyekto ni Dolly.


Sa teatro parehong nagsimula sina Dolly at Eugene bago nila pinasok ang showbiz.


Malaking bahagi ng kanilang career ang teatro kaya gusto nila itong muling balikan.


Ang aktres na si Harlene Bautista ang magpo-produce ng nasabing stage play na pagsasamahan nina Eugene at Dolly.


Well... sanay na rin sa teatro si Harlene at naging mentor nga niya noon ang National Artist for Theater na si Tony Mabesa.


Kaya malaki ang malasakit niya sa teatro at maging ang respeto sa mga theater actors.


Tiyak na marami ang magiging interesado na panoorin ang stage play na pagsasamahan ng magkaibigan na sina Eugene at Dolly.


Kumbaga, reunion na ng dalawa ang proyektong ito. Sana lang ay mabuo at magawa nila agad ang plano nilang stage play habang mainit pa ang career ni Dolly at interesado pa sa kanya ang publiko.


Sa February next year ang napili nilang showing ng nasabing stage play. Tiyak na marami ang mag-aabang upang mapanood ito.


‘Wag na nilang masyadong patagalin pa ang pagpapalabas nito at baka hindi pa nga ito matuloy.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page