Estudyante, magulang at mga guro, welcome sa ating Kap’s amazing gadget giveaway! one more time!
- BULGAR

- Oct 9, 2020
- 2 min read
ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | October 9, 2020
Naging matagumpay ang isinagawa nating pamimigay ng gadget kamakailan ng higit pa sa inaakala natin, na kaya lamang isinagawa ay bilang pagdiriwang ng aking kaarawan sa halip na magdaos ng malaking handaan sa gitna ng pandemya.
Nagpapasalamat tayo sa lahat ng bumati at patuloy na bumabati, nakakataba ng puso lalo na ‘yung mga guro at mag-aaral na nagpadala pa ng video para lamang magpasalamat, hinding-hindi natin makakalimutan ang mga ipinakita ninyong reaksiyon ng kaligayahan.
Nakatutuwa dahil sa maliit na paraan ay nakatulong tayo sa pag-aaral ng maraming kabataan, lalo pa at karamihan sa ating mga winners ay natanggap na ang kanilang napanalunan at marahil ang iba ay ginagamit na.
Isa sa medyo nalungkot lang ng bahagya ay nang patapos na ang pamimigay natin ng gadget, dahil marami ang umaasa ngunit hindi sila pinalad na mabigyan at kinabukasan ay napakarami pa nang humihiling na mulinmg ulitin ang pamimigay.
Kitang-kita natin ang dami ng mga sumali at nakisaya sa atin habang isinasagawa ang raffle na lahat ay nagbabakasakaling dapuan ng suwerte at magkaroon ng biglaang gadget.
Kung maaari lamang na lahat ay bigyan para lahat ay masaya ngunit alam naman nating hindi ito makakaya, pero gustung-gusto talaga nating makatulong sa abot ng ating makakaya.
Kaya naman, sa sobrang dami ng humihiling ng ‘Isa Pa!’, sino ba naman tayo para tumanggi at dahil buo ang ating loob na may matulungan pang iba, nagpasya tayong pagbigyan ang hiling ng napakarami nating kababayan.
Dahil tuwang-tuwa rin sa resulta ang marami nating kaibigan ay agad kaming nag-usap-usap at napakasunduang huwag naming biguin ang mga kababayan nating humihiling ng ‘Isa Pa!’.
Kaya heto, excited na akong muli para sa darating na araw ng Linggo, Abangan sa dati nating tagpuan, ganap na alas-6:00 ng hapon sa ating
Facebook- https://facebook.com/bongrevillajrph/ at
Hindi ko na birthday, pero tatawagin natin itong Kap’s Amazing Gadget Giveaway - One More Time! at bubunot ulit tayo mula sa mga nag-submit ng entry at sa mga nag-comment sa ating posts.
At tulad ng dati, maraming walang entry ang tumutok lamang ngunit sinuwerteng magkaroon ng gadget dahil mayroon tayong nakalaang papremyo sa mga magpa-participate ng live kaya huwag kayong bibitaw.
Muli tayong naghanda ng mga katanungang napakadadali lamang na sadyang nilikha para sa mga nais sumali sa aming ‘live presentation’ at makasigurong makukuha ng sasali ang premyong gadget.
Bukod sa dala naming saya ay daan-daang gadgets muli ang aming ipamimigay, mga tablet, cellphone at laptop at tiyak na mabibigyan na ng pagkakataon ang mga hindi pinalad noong nakaraang raffle.
Hindi lamang mga magulang at mag-aaral ang mga nag-aabang sa ipamimigay nating gadget dahil maging ang mga mahal nating teachers ay maaaring sumali dahil may inilaan tayong gadget na makakatulong sa kanilang pagtuturo.
Kaya sa mga nagpadala sa atin ng mga mensahe na tulad ng One more time po!, Isa pa!, Isa pa po please! at mga kahalintulad nitong pakiusap ay magkita-kita tayo at makisaya sa Kap’s Amazing Gadget Giveaway! One more time!
Anak ng Teteng!
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o
mag-email sa anakngteteng.bulgar@ gmail.com





Comments