top of page
Pokwang.jpg

ERWAN, KINUMPIRMANG MALABO PA SILANG MAGBALIK-'PINAS NI ANNE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2020
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 29, 2020




Dahil sa pandemya, matatagalan pa bago makabalik sa Pilipinas si Anne Curtis at ang kanyang pamilya, ayon na rin sa asawa ng It's Showtime host na si Erwan Heussaff.


Sa isang online interview ni Erwan last weekend, sinabi niyang nasa Australia pa sila ni Anne kasama ang anak nilang si Dahlia na isinilang sa naturang bansa last March.


Ayon kay Erwan, nakaplano na sana silang bumalik sa 'Pinas tatlong buwan matapos manganak si Anne. Pero dahil patuloy ang pagtaas ng cases ng COVID-19 sa 'Pinas, inisip nilang mas safe mag-stay sa Australia.


Kaya lang sa nangyayari ngayon na tumataas na rin ang cases ng mga infected ng virus sa Australia, naka-lockdown sila ngayon du'n at tulad noong ECQ sa 'Pinas, hindi sila makalabas ng bahay.


Pero kahit nasa Australia ay busy pa rin sa pagtatrabaho si Erwan dahil work-from-home siya sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo sa Pilipinas at pag-aalaga kay Dahlia.


Ang sukatan daw ng oras para kay Erwan ay hindi ang bawat araw na lumilipas kundi ang malalaking kaganapan sa kanyang buhay.


“For me, the big, momentous we’ve had is Dahlia in March.


“And March to now, it’s been no big thing, no plans, no vacations, no nothing.


"So, it really felt like a blink. It’s insane," sabi pa ng mister ni Anne Curtis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page