top of page
Search
  • BULGAR

ERIKA AT KOBE, DATING, PIKTYUR NA MAGKASAMA, IDINISPLEY PA

ni Nitz Miralles - @Bida | June 17, 2022



Balitang "dating" sina Kobe Paras at Erika Poturnak, eldest ni Ina Raymundo. Marami na ang nagsi-ship sa kanila at gustong maging couple na sina Kobe at Erika. Bagay na bagay daw ang dalawa at natutuwa silang isipin na parehong nasa showbiz ang mom ng dalawa — sina Jackie Forster at Ina.


Kaya nalaman ang tungkol sa kanila dahil nag-post si Erika sa kanyang Instagram Stories ng photos na nasa beach siya kasama ang ilang kaibigan at isa roon si Kobe. Ni-reshare ni Kobe sa kanyang IG stories ang post ni Erika na pareho nang deleted.


Interesado ang mga Marites na malaman kung saan at paano nagsimula ang pagde-date nina Kobe at Erika. Gusto na rin nilang malaman kung magiging sila ba at ipinararating nila na pabor sila kung magiging couple sina Kobe at Erika.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page