top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ERIK, MUNTIK MANAPAK NG MANAGER NG RESTO DAHIL KAY ANGELINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 02, 2023



Apat na araw na lang at MilEStone: The 20th Anniversary Concert na ni Erik Santos sa Oktubre 6 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena at makakasama niya sina Yeng Constantino, Sheryn Regis, Darren Espanto at Angeline Quinto mula sa direksiyon ni John Prats at si Homer Flores naman ang musical director.


Tulad ng mga naglabasan sa balita ay hindi kukunin ni Erik ang kanyang talent fee dahil ibibigay niya ito sa Anchor of Hope & Strength na isang non-profit organization at pitong taon nang tumutulong sa mga cancer patients.


Si Dr. Charity Viado-Gorospe ang founder ng nasabing organization at oncologist ng namayapang ina ni Erik na si Gng. Teresita Santos. Hindi ito naningil ng professional fee kaya naman sobrang nagpapasalamat si Erik at kanyang mga kapatid. At dahil dito, gustong ibalik nina Erik ang pabor sa pamamagitan ng pagtulong sa Anchor of Hope & Strength.


Nalungkot nga ang mang-aawit dahil kung kailan niya iseselebra ang 20th anniversary niya sa industriya ay saka naman ito hindi na masasaksihan ng mga magulang niya, dahil hindi pa nakakapagbabang-luksa ang kanyang ina ay nawala na rin ang kanyang amang si Ginoong Renato Santos dahil din sa cancer.


Samantala, marami kaming nababalitaang may mga tinutulungan si Erik at siyempre, hindi naman niya ito ipinagkakaingay at sa mga kaibigan din niya ay talagang lagi siyang nandiyan sa tabi nila.


Tulad ng naging special friend niya noon na si Angeline Quinto na hindi ito nalaman ng publiko kung hindi pa napanood sa Date or Pass vlog nito.


Sa isang restaurant ginanap ang panayam kay Erik at nagulat sila ni Angge dahil nasita sila ng manager ng resto dahil maingay daw sila at nagdala pa ng sariling lutuan ang huli.


Nagsabi ang manager ng venue na paaalisin sila, at siyempre, hindi nagustuhan ni Erik ang paninita sa kaibigan niya nang pasigaw.


“You don’t have to yell. You don’t have to yell at us. You can say it in a nice way!” sabi ni Erik.


Nagpaliwanag ang manager at sabi ni Erik, “Yeah, but you don’t have to raise your voice. You are not nice at all.”


At dahil nagkakapikunan na at talagang mainit na ang ulo ni Erik kaya si Angeline na ang nagsabi ng “It’s a prank!”


Nagulat ang male singer at kaagad namang nag-sorry na sa isa’t isa sina Erik, manager ng venue at ang dalawang crew na kinontrata ni Angge.


Para kumalma si Erik ay niyakap siya ni Angeline dahil sa ginawa nitong prank.

Ang tanging nasabi ng binata, “Alam mo, ayoko kasing ginaganu’n ka!”


Aminado naman si Angeline, “Kinakabahan na ‘ko kanina pa, parang sasapakin na ni Erik Santos 'yung manager. Pero nakita n’yo kung gaano ang concern sa akin ni Erik, ‘di ba?”


“Alam mo, ‘Ge, hindi ako madaling magalit. Pero 'pag feeling ko, dini-disrespect ka, medyo nati-trigger ako. Hahahahaha!” katwiran ni Erik.


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page