top of page
Search
  • BULGAR

ERICH, IN-UNFOLLOW NI JULIA SA IG

ni Beth Gelena @Bulgary | June 13, 2024



Showbiz news

Mula nang ikasal si Erich Gonzales sa non-showbiz guy na belong to the rich family na si Mateo Lorenzo ay hindi na active sa social media platforms ang aktres. 


Katunayan, kung sisilipin ang kanyang Instagram (IG) account ay may advisory na itong “This account is private.”


Iniintriga ngayon ang aktres na wala na umano sa listahan ng friend's list ni Julia Barretto ang name ni Erich. 


Well, hindi na rin siguro kataka-taka na ang mag-best friend ay wala nang komunikasyon sa isa’t isa mula nang ikasal si Erich.


Ang komento naman ng mga netizens, “Matagal ko na ‘yan napansin. Parang nu’ng time pa na mag-break si Claudia at boyfriend na bro nu’ng jowa ni Erich.”


Napatanong tuloy ang isang commenter, “Talaga, break na sila?”


Mukhang updated naman ang isang faney, “Naghiwalay sina Claudia and Baste around pandemic, pero nagkabalikan din ulit sila recently.”


Sey pa ng ibang mga netizens:


“It's called life pero ang bilis magpalit ng friends ni Erich. Wala na nga s’yang friends du’n sa Chiugogo (barkada nila nina Kim Chiu) eme, haha!”

 “Yes, matagal na silang hindi nagkakasama pero ngayon, tinuluyan nang i-unfollow ni Julia.”

“Even Marj (Barretto, ina ni Julia) unfollowed Erich a long time ago.”

“I thought it has something to do with Claudia’s breakup with Erich’s husband’s brother. But Claudia and the boyfriend are back together.”

“‘Di lang sila basta showbiz friends, as in naging part ng family ni Julia si Erich at naging sobrang close rin si Erich kay Marjorie.”

“‘Di ba, Erich pa name ng youngest daughter n’ya?”

Halata namang ‘di gusto ng isang netizen ang girlfriend ni Gerald Anderson sa tema ng kanyang komento. 

“Mas at peace ‘yung Erich kaysa sa Julia. ‘Di ka kawalan, for sure.”

“Nag-start pa yata ‘yan nu’ng issue kina Bea, Gerald at Julia.”

“Oo, sa una, kay Julia ang support. Siguro, nu’ng nalaman ni Erich na nega ang dating nina Gerald at Julia, hindi na s’ya supportive. Mas nag-like si Erich sa post ni Bea. Twice pa nga n’ya binati si Bea ng ‘Happy Birthday’ nu’ng 2019, isang personal message at isa sa wall ni Bea.”

“Yes, parang nag-side s’ya kay Josh (Joshua Garcia, ex-BF ni Julia).”

“Yup. Nu’ng down na down si J, kasagsagan ng issue, no comment si E.”

“Matagal na, parang sumama raw ang loob ni J kay E dahil hindi s’ya sinupport during issue n’ya as 3rd party kina G at B.”

Anyway, hindi naman na siguro big deal kung inalis na ni Julia sa kanyang friend’s list si Erich. Hindi na rin kasi active si Mrs. Lorenzo sa social media platforms. 

And if ever na active siya sa ibang socmed account, for sure, iba na ang circle of friends ni Erich.

 

IBINAHAGI ni Maine Mendoza ang kanyang “random thoughts” tungkol sa mga taong gustong tanggalin na ng iba ang kanilang face mask. 

Ani Maine sa kanyang X (dating Twitter) account, “Random thought dahil ang daming may sakit ngayon. People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus. Ang hirap magtrabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam,” ang pagpapaalala niya sa mga netizens. 

May punto naman ang misis ni Congressman Arjo Atayde. Kinakailangan talaga ang pag-iingat dahil hindi pa rin nawawala ang virus. 

Besides, hindi lang naman para sa mga may sakit ang concern ni Maine. On my own opinion, need niya talagang mag-ingat dahil baka nga totoong buntis siya at maselan ito. 

Pero hindi rin maiiwasang isipin na symptom din ‘yun kapag buntis ang isang babae. 

Ano po sa palagay n’yo, mga Dabarkads? 




0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page