ERIC, EPY AT VANDOLPH: NET 25, MAY PAGMAMAHAL, RESPETO AT ALAGANG-ALAGA ANG MGA ARTISTA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 13, 2022

Isa kami sa mga natuwa na muling makapanood ng gag show lalo na kung ang mga bida ay ang mga anak ng yumaong King of Comedy na si Dolphy na sina Eric Quizon, Vandolph Quizon kasama ang asawang si Jenny Quizon at si Epy Quizon.
Ang Quizon CT o Quizon Comedy Theater na pinakabagong gag show ng NET25 at punumpuno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines ay nagsimula nang umere noong January 9, 2022 at napapanood ito tuwing Linggo sa ganap na 8:00 PM.
Alam naman ng lahat na namana ng magkakapatid ang husay ni Mang Dolphy sa komedya pero ayon sa mga anak niya ay hindi lahat dahil iba-iba sila ng forte.
Ayon kina Eric at Epy ay si Vandolph ang nakakuha sa tamang pagbato ng punchlines ng ama, pero hirit ng huli ay ang asawang si Jenny ang mas nakakuha at talagang nakakatawa, na sinang-ayunan na rin ng mga kuya niya.
Mas madalas daw kasing kasama nina Vandolph at Jenny si Mang Dolphy kaya marahil ay talagang naobserbahan nila ang lahat ng kilos at pananalita nito.
Samantala, natanong ang magkakapatid kung ano ang mayroon sa NET25 at dito nila naisipang mag-pitch ng programa at hindi sa ibang network.
Naunang sumagot si Vandolph, “Pagmamahal, respeto at higit sa lahat, ‘yung pakikitungo nila sa mga artista, sa amin, ay napakaayos po. Wala kaming masabi at alagang-alaga kami.
So, kung ano po ‘yung kailangan nila sa amin ay ibibigay namin nang 100%. Salamat po sa NET25.”
“Ako, I think it’s because aligned ‘yung gusto naming gawin. Gusto naming gumawa ng clean family fun. I think that’s where NET25 and the Quizons are aligned. Kasi ang comedy ng Quizon is really pinag-isipan at hindi nakakasira ng tao. ‘Yung comedy namin is really clean family fun at doon kami nagtagpong mangyari ng NET 25 especially on a Sunday family gag show," say ni Epy.
Sumang-ayon naman si Eric sa sinabi ni Epy, “I agree with Epy, ‘yung sinabi niyang alignment.
Kumbaga, nagtugma, eh. They were looking for something that we can offer at ang maganda, NET25 gives us the opportunity to do that. Ang maganda rin kasi is they gave us that respect, the importance na hindi namin hiningi, pero ibinigay nila sa amin kaya bakit hindi NET25?”





Comments