top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Epekto sa life insurance contract ng pagtatago ng sakit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 14, 2022



Dear Chief Acosta,


Kumuha ng life insurance noong Hulyo 2013 ang aking asawa at ginawa niya akong beneficiary. Makalipas ang isang linggo matapos mabayaran ang premium, nakuha na rin namin ang kopya ng insurance policy. Pero sa kasamaang-palad, yumao ang aking asawa sa sakit sa baga noong 2020. Ako ay nagtungo sa insurance company upang makuha ang death benefits na nakasaad sa kanyang life insurance policy. Nagulat ako nang sabihin ng insurance company na ang makukuha ko lamang ay ang refund ng mga premiums na binayaran ng aking asawa sa kadahilanang itinago diumano ng asawa ko ang kanyang sakit sa baga. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong nakukuha. Wala ba talaga akong makukuha sa death benefits na nakasaad sa kanyang policy? – Norma


Dear Norma,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 48 ng Amended Insurance Code of the Philippines (Republic Act No. 10607).


Ayon sa nasabing batas:


“Section 48. Whenever a right to rescind a contract of insurance is given to the insurer by any provision of this chapter, such right must be exercised previous to the commencement of an action on the contract. After a policy of life insurance made payable on the death of the insured shall have been in force during the lifetime of the insured for a period of two (2) years from the date of its issue or of its last reinstatement, the insurer cannot prove that the policy is void ab initio or is rescindable by reason of the fraudulent concealment or misrepresentation of the insured or his agent.”


(Binigyang-diin)


Paliwanag din ng ating Korte Suprema sa kasong Sun Life of Canada (Philippines), Inc. vs. Sibaya (G.R. No. 211212, June 8, 2016, Ponente: Honorable Former Associate Justice Bienvenido L. Reyes): “After the two-year period lapses, or when the insured dies within the period, the insurer must make good on the policy, even though the policy was obtained by fraud, concealment, or misrepresentation.”


(Binigyang-diin).


Malinaw na nakasaad sa ating batas na ang insurance company ay may dalawang taon mula sa effectivity ng life insurance contract at habang ang insured (ang taong kumuha ng insurance) ay buhay pa upang mapatunayang walang bisa ang insurance policy dahil sa pagtatago ng sakit o pandaraya ng insured.


Samakatwid, sa inyong sitwasyon, ikaw ay may karapatang makuha ang death benefits na nakasaad sa life insurance policy ng inyong asawa dahil hindi na maaaring sabihin ng insurance company na walang bisa ang policy na nakuha ng inyong asawa noong 2013.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page