top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Epektibo at ligtas para sa muling pagbubuksan ng ekonomiya... Oks ang paglikha ng “Bakuna Bubble”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2021
  • 4 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 14, 2021





Hello, Bulgarians! Suportado ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno ang panawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na magbuo ng mas maraming “Bakuna Bubbles” sa labas ng Metro Manila para mapasigla ang lokal na ekonomiya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


“In our continuing efforts to guarantee our safe passage out of this pandemic, our case trends have already shown us the immense benefits of vaccines. We are one with PA Joey in our goal towards vaccination,” wika ni Health Secretary Francisco Duque sa Let’s Go Bakuna Town Hall ng Go Negosyo.


Sa kanyang parte, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na nagbunga ang panukala ni Concepcion at ng pribadong sektor na magpatupad ng mahigpit na lockdown noong Agosto dahil pababa na ang bilang ng kaso sa bansa.


“Latest data from the National Economic and Development Authority (NEDA) shows that our decision to strike balance between protecting the health of our people and the nation’s economy has been very effective,” ani Galvez.


Idinagdag pa ng vaccine czar na nakapagtala ang bansa ng mahigit 5.4 milyong nabakunahan mula Nobyembre 2 hanggang 8.


Nagpasalamat naman si Aklan Gov. Florencio Miraflores kay Concepcion sa pagtulong nito sa hiling ng mga lokal na pamahalaan para sa dagdag-bakuna upang sila’y mapagbukas na ng pinto sa mga bisita.


“We were given the needed vaccines for Boracay so we can vaccinate the residents in the island and the tourism workers, and we are now open to receive tourists,” ani Miraflores, na idinagdag pa na maaari nang magtungo ng Boracay ang mga turista na kompleto ang bakuna nang walang RT-PCR simula Nobyembre 16.


Sinabi naman ni Bohol Gov. Arthur Yap na isinantabi na ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol ang RT-PCR requirement para sa mga bisitang kompleto ang bakuna upang muling mahikayat ang mga turista na bumisita.


“Lahat, sabik na sabik magbukas na especially this Christmas. Sa Bohol maraming trabaho ang natamaan. We are prioritizing how to incentivize and how to bring back tourists to Bohol,” ani Yap.


Aktibong isinusulong ni Concepcion ang paglikha ng “Bakuna Bubble”, dahil ito ang epektibo at ligtas na paraan para muling mabuksan ang ekonomiya. Sa ilalim ng Bakuna Bubble, mas malayang makakikilos ang mga taong kompleto ang bakuha at mas maluwag ang health protocols na ipatutupad para sa kanila.


“With around 90-percent of target population in the NCR now vaccinated, the government should focus its vaccination efforts in other areas of the country to increase the inoculation rate in the provinces,” sabi ni Concepcion.


“By creating more ‘Bakuna Bubbles’ outside Metro Manila, fully vaccinated individuals would be given more mobility, which would help ramp up economic activity in a particular area,” giit pa niya, sa pagsasabing makatutulong ito na makalikha ng trabaho at kabuhayan sa kanayunan.


Isinusulong din ng Go Negosyo founder ang mas maikling quarantine at mas malayang pagkilos sa mga kompleto ang bakuna upang mahikayat ang mga Pilipino mula North America na bumalik sa Pilipinas at magdiwang ng Pasko rito kasama ang mga mahal sa buhay.


“Many Filipinos are longing to return to the Philippines as they haven’t seen their loved ones for two Christmases already. But they opt to stay put because of the long quarantine being imposed by our government on travelers from North America. The government should shelve its quarantine requirement so our fellow Filipinos in North America can spend the holidays with their family and friends in the Philippines,” wika ni Concepcion.


Binanggit ni Concepcion ang datos mula sa Philippine Airlines, kung saan nakita na ang positivity rate sa parating na pasahero mula US ay napakababa o isa lang sa 777 o wala pang pasahero sa eroplanong 777 na puno ng pasahero.


Bilang tugon sa hiling ni Concepcion, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay na kasalukuyang pinag-uusapan ng pamahalaan ang mas maikling quarantine para sa mga biyahero galing ibang bansa sa halip na buksan nang buo ang bansa sa mga biyahero mula ibang bansa.


“For domestic travel, we are working on a unified system that travelers can use to go around,” dugtong ni Dulay.


Dumalo rin sa Town Hall ang ilang opisyal ng pamahalaan, ilang gobernador, medical at data analytics experts, at kinatawan mula sa pribadong sektor, na lahat ay nagpahayag ng suporta sa adbokasiya ni Concepcion na palakasin ang pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Nagbigay din ng update ang medical experts na sina Dr. Rontgente Solante at Dr. John Wong at OCTA-Research fellows Dr. Guido David, Prof. Ranjit Rye tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa pagdating sa mga datos at numero tungkol sa COVID-19.


Ayon sa OCTA Research, hindi aabot sa tatlong milyong kaso ang bansa sa pagtatapos ng 2021 habang ang 7-day average ng bagong kaso ay maaaring bumagsak sa wala pang 1,000 sa pagtatapos ng Nobyembre.


“At this level, the country’s average daily attack rate would be less than 1 per 100,000,” wika ni Dr. David.


Nagbigay din ng pananaw sina Interior Undersecretary Epimaco Densing III at Governors Dax Cua ng Quirino, Daniel Fernando ng Bulacan, Joeben Miraflores ng Aklan, at Arthur Yap ng Bohol ukol sa panukalang “Bakuna Bubble”.


“I support the one system for the whole nation like the alert level system. We hope that there will be increased mobility. We are embracing the granular lockdown approach so we can manage the surges. We have come a long way,” sabi ni Cua, na siya ring chairman ng League of Provinces of the Philippines (LPP).


“Malaking tulong sa aming mga kababayan at negosyante na ang Bulacan ay nasa Alert Level 2 na. Ngayon ay gumaganda ang laban natin sa pagbaba ng kaso at marami na tayong nababakunahan sa ating kababayan pati mga kabataang may co-morbidities,” wika ni Gov. Fernando.


Samantala, tinalakay din ng mga panelist ang planong National Vaccination Day, na gagawin mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, sa pagsasabing isa itong epektibong paraan para mapataas ang vaccination rate ng bansa, lalo na sa malalayong lugar.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page