top of page
Search
  • BULGAR

Epal na gov’t official, galit na galit sa bigtime TV network dahil walang ‘exposure’

sa virtual wake ng sikat na OPM icon.


ni Chit Luna - @Yari Ka! | April 13, 2021


Isang prominenteng miyembro ng gabinete ang nagse-sentimyento sa malaking broadcasting network dahil bukod tanging mukha lang niya ang hindi ipinakita sa virtual wake o burol ng kilalang singer na pumanaw kamakailan dahil sa COVID-19.


Sa sama ng loob, inilabas niya ang kanyang ngitngit sa sariling programa sa telebisyon, kung saan siya nagpasaring sa nasabing television network.


Bukod sa kanyang programa, ginamit din ng ating bida ang mga troll ng administrasyon para resbakan ang nasabing broadcast network.


Kaya lang, mukhang napasama ang dating ng kanyang pag-aalboroto dahil nagmukha siyang engot. Bakit nga naman kailangang ilabas ang kanyang mukha sa virtual wake na eksklusibo palang inorganisa para lamang sa mga kaanak at kapwa alagad ng sining sa larangan ng musika?


Hindi siya pinahintulutang maka-epal dahil bukod sa hindi siya alagad ng sining, plano pala nitong magpapansin bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagsabak sa 2022 senatorial election. Wow, ha?!


Aniya, inilabas sa virtual wake ng nasabing music icon ang lahat maliban sa kanyang mukha.


Pero hirit ng mga organizers, dapat maunawaan ng ating bida na hindi entablado ng mga pulitiko ang virtual burol.


Mukhang nakaligtaan din ng naturang opisyal na isa siya sa mga nanggipit sa nasabing broadcast network nito lamang nakaraang taon.


Sino nga ba ang epal ng kalihim na ‘to? Siya lang naman ang padrino ng mga high-profile inmates na muntik nang makalaya dahil sa panghihimasok nito. Kabilang sa kanyang mga naging kliyente ay mga kilalang kriminal sa likod ng mga kontrobersiyal na kaso ng pagpatay, panggagahasa at bentahan ng ilegal na droga.


Kapalmuks to the highest level pala, ha?! Sino ka riyan, aber?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page