top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Enzo, palaban sa PHILRACOM RBHS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2021
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 13, 2021



Isa sa aabangan ng mga karerista ngayong araw na karera ay ang pagtakbo ni Enzo sa 2021 PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Inaasahang liyamado si Enzo sa event na may distansyang 1,400 meter race pero tiyak din na ang laban kontra lima pang kalahok.

Rerendahan ni Jessie B. Guce, makakatagisan ng bilis ni Enzo sina Ava's Dream, Misha, Electrify, Innocare at Pulang Lupa.

"Sina Pulang Lupa at Innocare ang sa tingin kong puwedeng sumilat kay Enzo, kaya malamang magdalawa ako ng pili para sa winner take all ko," saad ni Noli Villahermosa, karerista.

Nakalaan ang P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang P5,000 na premyo, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Tulad ni Enzo, paniguradong susuportahan din ng mga liyamadista si Signature Whiskey na sasalang sa 3-Year-Old & Above Maiden Race.

Gagabayan ni class A rider OP Cortez, makikilatis si Signature Whiskey laban sa anim pang kalahok sa distansyang 1,400 meter race.

Komento ng mga karerista sa social media, inaasahang mabibigyan ng laban si Signature Whiskey kina Kasieguapo at Mangbabatas.

"Marami akong nasasagap na magaling na kabayo si Signature Whiskey kaya magsi-songle bet ako dyan sa winner take all para makatipid sa taya," ani Renato Villegas, veteran karerista.

Makakalaban ni Signature Whiskey sina Todo Pong, Elegant Angel, Yours Truly at Hunky Dory, hahamigin ng mananalong three-year-old horse ang P10,000 added prize.

Samantala, walong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya naman masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page