top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Enrique, tagilid… LIZA, SI JAMES ANG LAGING KASAMA

BULGAR
Jun 24, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 24, 2022




Labis na ipinagtataka ng mga netizens ang nabanggit ni Ogie Diaz (dating manager ni Liza Soberano) na si James Reid ay dati nang co-signatory sa mga kontrata ni Liza sa kanyang mga projects at endorsements na tinatanggap.


Hawak pa noon ni Ogie si Liza pero si James Reid na ang co-signatory sa kanyang mga kontrata. Dati na palang magkaibigan sina Liza at James kaya malaki ang tiwala niya sa ex-BF ni Nadine Lustre.


Hanggang sa tuluyan na ngang bumitaw si Liza kay Ogie na eleven years niyang naging manager. Kay James Reid na ipinamahala ni Liza ang kanyang career dahil gusto niyang maka-penetrate sa Hollywood. May mga kaibigan daw kasi si James na may koneksiyon sa mga agents sa Hollywood.


Kapag tinatanong ngayon si Liza sa status ng kanilang relasyon ni Enrique Gil, consistent ang sagot niyang sila pa rin at hindi naghiwalay. Pero, ilang showbiz observers ang nagtiyak na kay James Reid din mapupunta si Liza dahil lagi silang magkasama.


At madalas sabihin ni James sa kanyang mga tropa na type na type niya si Liza Soberano at matagal na niyang crush ang aktres. Kaya naman, abangers na lang ang lahat kung hanggang kailan ipaglalaban ni Enrique ang pagmamahalan nila ni Liza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page