top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Enrique, oh! JAMES, UMAMING SILA PA NI NADINE, TYPE NA SI LIZA

BULGAR
Jun 7, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 7, 2022


Marami ang nagtataka-nagtatanong tungkol sa sinabi ni Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano, na mula't sapul pala ay si James Reid ang tumatayong co-signatory ni Liza kapag pumipirma sa anumang kontrata sa endorsement ang Kapamilya actress.


Ganu'n ba kalaki ang tiwala ni Liza kay James para tumayong guardian niya?


At matagal na pala ang friendship nina Liza at James. Kaya nang mag- expire na ang kontrata ni Liza kay Ogie Diaz ay si James Reid na ang kinuha ng aktres para mag-manage sa kanyang career.


Nasa USA ngayon si Liza para ayusin ang mga kailangan sa pangarap niyang maka-penetrate sa Hollywood. Ang BF naman niyang si Enrique Gil ay nasa Spain.


May ilang showbiz observers tuloy ang nagsasabing malaki ang posibilidad na madebelop sina Liza at James sa isa't isa dahil madalas silang magkasama. At noon pa, open si James sa pag-amin na type niya si Liza kahit na noong magkarelasyon pa sila ni Nadine Lustre.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page