ENRIQUE, NAMUDMOD NG TIG-P100 SA MGA KATUTUBO, TINAWAG NA KURIPOT
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 22, 2023

Dapat na ring gumawa ng aksiyon si Enrique Gil para ganap na makawala sa anino ng love team nila ni Liza Soberano.
Hindi na maibabalik pa ang tambalang LizQuen dahil solo na ang career path na tinatahak ni Liza ngayon.
Dapat ay ganu'n na rin ang gawin ni Enrique at i-build-up ang sarili bilang solo artist na puwedeng itambal kahit kanino. Mas magiging bentahe pa sa career ni Enrique kung hindi na nadidikit ang kanyang pangalan sa kanyang ex-partner na si Liza. Magkakaroon siya ng sariling identity.
Kakayanin naman niyang mag-solo dahil marunong siyang umarte. At may mga offers na siya mula sa ibang network.
Samantala, may naging isyu kay Enrique Gil nang magtungo siya sa Bataan at namigay ng cash assistance sa ilang katutubo.
May mga netizens ang nag-comment na kuripot daw si Enrique Gil dahil tig-P100 lang ang ipinamigay sa mga katutubong kanyang binisita. Ano na lang ba ang mabibili ng P100 ngayon?!
Depensa naman ng mga nagmamalasakit kay Enrique Gil, sincere ang aktor sa kanyang pamimigay ng tulong At ginawa niya ito na walang nakasunod na kamera at hindi ginamit na content sa kanyang vlog.
Besides, mahina naman ang kita ngayon ni Enrique Gil dahil sa nakaraang COVID pandemic. Pero, ginusto pa rin niyang tumulong at magbigay ng ayuda sa mga katutubo.





Comments