ENRIQUE, LAST MINUTE NA BUMATI SA B-DAY NI LIZA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 6, 2023

Inabangan talaga ng LizQuen fans ang birthday greetings ni Enrique Gil sa girlfriend na si Liza Soberano last January 4.
Gabi na nang nag-post si Quen ng birthday message for Liza na ikinaligaya naman ng kanilang fans.
“We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby, I love you so much. Happy Birthday!!” ang sweet birthday message ni Quen kay Liza.
Napakaimportante para sa mga fans ang pagbating ito ni Quen dahil ito ang proof na sila pa rin talaga, contrary sa mga naglalabasang break or nagkakalabuan na sila.
Kaya naman nang mabasa nila ang post ni Quen ay nakahinga na sila nang maluwag kahit na medyo na-late.
“MY LIZQUEN HEART IS SO HAPPY!! Low-key fan girl n'yo ako kagaya ng relationship n'yo ngayon, sobrang peaceful and private but the love you have for each other is still strong and keeping, no need for validation to post everything sa socmed.. THANK YOU! LIZQUEN.. This is what forevermore,” komento ng isang fan.
“My happiness is complete. The birthday greeting I’ve been waiting for. True love is patient. Kind.
Knows how to sacrifice. Love has no boundaries. Lovers trust one another that they know what to do when tested. Happy birthday, Hope. You’ve found your home in Quen,” sey naman ng isa pang LizQuen supporter.
“Hinintay ko talaga 'to. Puwede na 'kong matulog,” reaksiyon naman ng isa pang tagahanga.
“Eto 'yung inaabangan ko. Masaya 'kong matutulog ngayong gabi. Thanks ulit Quen. Okay lang mapuyat basta happy ang LizQuen heart ko,” sabi ng isa pa.
For sure, lalong kinilig ang mga fans nang magpasalamat si Liza kay Quen sa IG Story ng aktres.
Ini-repost ni Liza ang post ni Quen at mensahe niya sa boyfie, “Thank you for being there for me even when it’s hard.”





Comments