ENRIQUE, GUSTONG BITBIT ANG MGA TAUHAN SA ABS-CBN SA PAGLIPAT SA GMA-7
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 24, 2022

May isyung lumalabas na diumano'y may demands si Enrique Gil kung siya ay lilipat sa GMA-7 at unreasonable raw ang hinihingi ng Kapamilya actor.
Hindi naman high talent fee ang hinihingi ni Enrique kundi ang makasama lang ang ibang crew at production staff na nakasanayan na niyang katrabaho.
Wala rin kasing trabaho ang mga nasabing crew magmula nang magsara ang ABS-CBN na sinabayan pa ng pandemya.
Ibig lang makatulong ni Enrique sa kanyang kapwa kaya walang masama sa demands niya kung meron man.
Ayon naman sa mga fans ni Quen, "Not true. Never naging demanding si Quen. Hindi pa-diva."
"Only goes to show na wala siyang tiwala sa production ng GMA. Kasi nga alam na ang kalalabasan. Ang gustong dalhin ay director, scriptwriter at production staff. ABS-CBN is known for quality content, hindi 'yung mga nakakatawa o napaglipasan na except for Darna, LOL."
"Agree. His entire showbiz career, never naging chika na ganu'n ang ugali niya. Lahat, sinabi na mabait talaga siya in real life at equal ang tingin niya sa lahat ng nakatrabaho niya from production crew to co-stars, walang big or little sa kanya, equal respect sa lahat!"
"If totoo ngang may planong lumipat ang Kapamilya actor sa Kapuso, may karapatan naman siyang mag-demand kung ano ang tingin niyang deserve niya. Kung ibibigay sa kanya, eh, di good.
Kung hindi, ok, eh, di mag-nego or 'wag na i-pursue," komento pa ng mga netizens.
Ganu'n lang naman daw kasimple 'yun.





Comments