top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ENRIQUE, BALIK-SERYE SA ABS-CBN, LIZA OUT!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 16, 2022


Sunud-sunod ang naglalabasang announcement ng ABS-CBN sa mga upcoming projects na ihahain nila sa mga darating na buwan.


Sa latest post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts, apat na bagong serye ang ipapalabas ng ABS-CBN International Production with co-production mula sa iba’t ibang bansa.


Isa ru'n ay ang first lead role sa teleserye ni Megastar titled Concepcion. This is a collaboration series with Filipino-American actor Reggie Lee and Filipino-American film producer Jeremiah Abraham.


Ang bongga ni Mega dahil pang-international agad ang kanyang first lead role in a drama series.


Ang tatlo pang series ng ABS-CBN International ay ang Cattleya Killer, Sellblock at Spicy Adobo and Stinky Tofu.


Ang Cattleya is based on the 1996 Star Cinema suspense movie na Sa Aking Mga Kamay na pinagbidahan dati nina Aga Muhlach, Chin-Chin Gutierrez at Christopher de Leon.


Sa bagong version nito, sina Arjo Atayde, Jake Cuenca, Jane Oineza and Ria Atayde ang members of the cast.


Balik-serye rin si Jericho Rosales sa Sellblock with Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache and RK Bagatsing.


Kitang-kita ang pamamayagpag ng ABS-CBN, lalo na sa global market. Tunay na tinatangkilik ng mas nakararaming Pinoy saanman sa mundo ang mga produkto na tatak-Kapamilya dahilan upang makagawa pa sila ng de-kalidad at WORLD-CLASS na palabas at pelikula.


Hindi lang sina Mega at Echo ang magbabalik-serye sa ABS-CBN. Nagbabalik din ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos pagkatapos ng kanyang short stint as host sa Magandang Buhay.


Balik-serye rin sa ABS-CBN ang aktor na si Enrique Gil, minus his on-and-off screen partner na si Liza Soberano.


Mula naman sa JRB Creatives ng ABS-CBN ay may serye rin si Direk FM Reyes na pagsasama-samahan nina Tony Labrusca, JC de Vera, Ria Atayde at Jane Oineza, at ang inaabangang serye ng sikat na love team ngayon nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Kahapon ay mabilis na kumalat sa socmed ang comeback movie ng box office tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang After Forever na ididirek ni Cathy Garcia-Molina at sa iba't ibang parts ng USA raw isu-shoot.


Pero next year na ‘yan isu-shoot ni Direk Cathy dahil ginagawa niya ngayon ang first movie niya with Vice Ganda and Ivana Alawi, ang Partners in Crime.


Nagpakita ng excitement ang KathNiel fans sa balitang magtatambal muli sa big screen ang favorite love team nila.


“Wowwww 'yan ang unang pasok ko sa sinehan at hakot my fam after pandemic, at first time kaming manonood ng KathNiel movie. Game na game na."


May comment din tungkol sa edad nina Kathryn at Daniel. Magte-treinta na raw ang dalawang Kapamilya stars, pabebe pa rin sa movie bilang magka-love team.


Ipinagtanggol naman sila ng kanilang mga fans saying na ‘di raw sa edad nasusukat ang growth sa pagtitiwalag ng love team.


“Sila ang best example na puwedeng mag-succeed as individuals and as a love team na sabay.


They both had projects outside the love team and both successful naman. So I disagree sa mga mapapait na nagsasabi rito na wala silang growth.”


May nag-post din ng comment na package deal na raw forever ang KathNiel.


“Meron akong nabasa before, mga baks. Sabi nila sa isang interview, 'Package deal na kami forever!' So, maybe that’s why…”


Sabeee?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page