top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ENRIQUE, AYAW PANG MAGTRABAHO, TODO-BAKASYON LANG SA HAWAII KASAMA SI LIZA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 26, 2022




Kasalukuyang nagbabakasyon daw si Liza Soberano kasama ang boyfriend nitong si Enrique Gil sa Hawaii, USA base sa kuwento ni Ogie Diaz sa YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs nitong Lunes nang gabi.


Kaya ito naikuwento ni Ogie ay dahil nabanggit ni Mama Loi na kaya pala hindi natuloy si Enrique sa GMA-7, base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa Cristy Ferminute radio program nila ni Romel Chika na napapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM at napapanood sa OnePH YouTube channel at Cignal play app kamakailan.


Ayon kay ‘Nay Cristy ay maraming demands si Quen sa GMA tulad ng ang dapat makakatrabaho ng aktor ay ang naging direktor, writers at personal assistant niya sa ABS-CBN.


Siyempre, bilang producer, hindi naman papayag ang GMA-7 na hindi nila tao ang makaka-work ni Enrique dahil may sarili rin naman silang staff.


Ayon kay Ogie, “Galing ‘yan sa source ni Ate Cristy. Ang alam ko diyan ay ready siya for pitching. ‘Yung pitching na sinasabi ay ‘Mag-offer kayo sa akin kung ano ‘yung puwedeng teleserye o pelikula na gagawin ko. Kung magustuhan ko, okay ako at payag ako. Go!' 'Pag hindi niya (Quen) gusto, hanap ulit ng storyline para i-pitch sa kanya.”


Nabanggit ding walang kontrata ngayon si Enrique sa kahit anong network o movie outfit kaya nasa bakasyon ito.


“Ang alam ko, ayaw muna ni Quen na pumirma kahit saang network. Parang feeling ko, kung saan pipirma si Liza Soberano, doon siya pipirma. Kung pipirma si Liza, huh!” pahayag ni Ogie.


Balik-tanong ni Mama Loi, “Eh, paano ‘yun, ‘Nay (Ogie), si Liza, doon pumirma sa US? So, magyu-US na rin kaya si Quen?”


“Hintayin natin, Loi, kasi ang alam ko, nasa US si Enrique. ‘Yun ang alam ko, ha? Parang paborito na nila ni Liza ‘yung Hawaii, eh,” say pa ni Ogie.


Hirit ni Mama Loi, “Baka doon na siya gagawa ng project?”


“'Yan ang hindi natin alam. Pero for now, hindi pa ready pumirma si Quen kahit saang network, ganu’n din si Liza. Parang gusto nila, per project basis, freelance,” paliwanag ng ex-manager ni Liza.


Samantala, may balitang nakarating kay Tita Jegs na nakita raw ng kaibigan niya si Enrique at tumaba ito na dahilan kaya siguro ayaw nitong humarap muna sa camera.


Sabi ni Ogie, “At least, hindi siya nagbibisyo kung tumaba man. Actually, si Quen ‘yung tipo ng lalaki na 'pag gustong tumaba, kaya niyang magpataba. Kapag gusto niyang magpapayat, kaya rin niyang magpapayat.


“Siguro, wala pa siyang napupusuang ipini-pitch sa kanya. Kasi si Quen, kapag nagustuhan niya ang isang role na ipinitch sa kanya, ang ginagawa niya ay inihahanda na rin niya ang katawan niya.”


Kaya sa mga supporters ng LizQuen ay mukhang matatagalan pa bago ulit mapanood ang dalawa sa serye o pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page