Enjoy sa pagrampa abroad tulad ni Heart... PIA, 'DI NAGMAMADALING MAGKA-BABY
- BULGAR
- Mar 13, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 12, 2024

Aligaga ang Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa kanyang pagrampa sa mga fashion events sa New York, Paris at Milan. Kinakarir niya ang kanyang pagiging ramp model na bale second career na niya.
Ngayong hindi na siya aktibo sa showbiz, madalas na siyang nakikita na rumarampa sa Paris at Milan kasama ang ilang international models. At nagpapayat siya nang husto upang hindi ma-out of place sa ibang professional ramp models.
Maraming netizens ang nagtatanong kung wala pa ba sa plano ni Pia Wurtzbach ang pagkakaroon ng baby with husband Jeremy Jauncey?
Hindi ba naiinggit si Pia sa ilang kaibigang may kani-kanyang babies na tulad nina Iza Calzado, Angelica Panganiban at iba pa? Hindi ba priority ni Pia ang pagkakaroon ng pamilya?
Well, may sagot si Pia sa mga fans na nagtatanong tungkol sa baby project nila ni Jeremy.
Saad ni Pia, hindi kailangan na ma-pressure ang isang babae dahil gusto ng lahat na makita siyang buntis o may anak na. Hindi naman nakasalalay ang happiness sa fulfillment ng isang babae sa pagkakaroon ng anak. At magkakaiba ang pananaw ng mga babae tungkol sa pagkakaroon ng anak.
At the moment, hindi nagmamadali si Pia Wurtzbach na maging mommy dahil marami pa siyang gustong gawin at nagsisimula pa lang siya sa bago niyang journey bilang fashion model. Makikita rin na ine-enjoy muna niya ang kanyang pag-awra at pagrampa sa Paris, Milan at New York.





Comments