top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Enjoy sa bagong nagpapasaya sa kanya… GRETCHEN, WALANG TIME SA MGA LALAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2022


Kung si Angeline Quinto ay ready nang mag-asawa, ang TV host na si Gretchen Ho ay enjoy na enjoy pa sa mga nangyayari sa kanyang career ngayon lalo't may bagong travel infotainment show na ipinagkatiwala sa kanya, ang Woman in Action na magsisimula nang mapanood sa Oktubre 1, 7:30 PM sa One News via Cignal, na available on CH. 8 SD at CH. 250 HD.


Mapapanood din ang Woman in Action sa SatLite Channel 60 at sa Cignal Play app, at kinabukasan sa One PH, Channel 1, 8:00 PM.


Super excited nga si Gretchen sa pagsisimula ng kanyang show dahil dito makikita ang iba't ibang adventures niya sa mga lugar na kanyang pinuntahan kung saan may mga bagay siyang tinuklas na ipapakita niya sa kanyang mga viewers.


Always on the go si Gretchen at sabi nga namin, isa siyang babaeng palaban base sa mga nakita naming ginawa niya sa teaser ng Woman in Action.


Pero pag-amin niya, marami rin siyang bagay na kinatatakutan at isa na nga rito ang bungee jumping dahil may fear of heights siya.


Biniro rin namin si Gretchen na baka dahil sa image niyang palaban ay ma-intimidate ang kanyang mga suitors. Napangiti siya at sabi niya, hindi naman daw siya intimidating kung makikilala lang siya nang lubos ng mga guys na interesado sa kanya.


Pero sa ngayon, dahil super hectic ng kanyang schedule, wala rin daw siyang maibibigay na time sa magiging karelasyon niya at magiging unfair lang siya kaya hindi muna ito ang priority niya ngayon.


Kung 'di kami nagkakamali, si Robi Domingo pa ang huling boyfriend ni Gretchen.


Well, let's see, baka naman sa isa sa mga lugar na mapuntahan ni Gretchen Ho para sa Woman in Action ay makilala niya ang kanyang Mr. Right, devah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page