Enjoy na sa buhay-probinsiya... JOHN LLOYD, MAGTATAYO NG RESORT SA PALAWAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 9, 2020

Balak daw magtayo ng rest house ni John Lloyd Cruz sa El Nido, Palawan kaya madalas siya ngayon na nakikita sa nasabing lugar na dinadayo ng mga turista.
Nakikita si JLC na umiikot at namamasyal. Nakikita pa siyang kumakain ng street food.
Mukhang masaya at nag-e-enjoy si Lloydie sa simpleng buhay-probinsiya. 'Yun ang kanyang na-miss gawin noong aktibo siya sa pag-aartista.
Tama lang na mag-invest sa properties si JLC habang wala pa siyang project at bigyan niya ng panahon ang pagnenegosyo.
Ikinatutuwa naman ng mga fans-supporters ni JLC ang malaking pagbabago ng aktor. Blessing in diguise na nakawala na siya kay Ellen Adarna. He deserves a better woman na makakatuwang niya sa buhay. Makakabalik pa naman ulit sa showbiz si John Lloyd. Magaling siyang aktor at bata pa naman siya.





Comments