top of page
Search
  • BULGAR

Enjoy na enjoy sa buhay… ANDI, MAY BAGONG NEGOSYO SA SIARGAO

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 19, 2022



Nagbukas ng bagong negosyo si Andi Eigenmann at mister niyang si Philmar Alipayo sa Siargao.


Ipinakita ni Andi ang bago niyang business sa vlog ng comedian na si Pooh sa kanyamg YouTube channel.


Pinuntahan ni Pooh ang resto snack ni Andi sa Siargao na katabing-katabi ng shop naman ni Philmar, ang Kanaway Surf Shop.


Nakabakasyon kasi si Pooh sa Siargao na ayon sa kanya, ilang beses na siyang nag-extend ng kanyang stay sa surfing capital ng 'Pinas.


“At parang magiging lokal na rin ako rito. Oh, my God! It’s my 10th day tomorrow. Ang sabi niya (Andi) sa akin, ‘Ay, naku. Ganyan na ganyan ako nag-start dati. Extend-extend, hanggang sa nabihag,'” sabay tawa nina Pooh at Andi sa vlog.


Sinimulan daw ni Andi na itayo ang kanyang snack bar pagbalik niya ng Siargao pagkatapos ng bagyong Odette last December 16.


“When we came back nu’ng March, dinecide ko na kunin ang spot na ‘to. Kasi si Philmar, nagtayo ng surf shop with Carding. So, nakipag-partner ako sa wife ni Carding kasi it’s a good spot. It’s by the beach. Saka dito talaga kami nakatambay."


Ipinaliwanag ni Andi kay Pooh kung bakit Kanaway ang pangalan ng snack bar niya at ng surf shop ni Philmar.


“Kanaway means northwest wind. But at the same time, it’s a type of bird that you can find here,” esplika ni Andi.


Dine-develop pa raw ni Andi ang complete menu para sa snack bar nila. Pero na-amaze ang mga netizens sa pambalot ng sandwich na isa sa mga food na ino-offer sa snack bar nina Andi dahil dahon ito ng saging.


“Ang ganda ng banana leaf wrap. Environment friendly and it adds aroma to the foods. Congrats, Ms. Andi."


“Wow, sarap naman ng tinapay, nakabalot sa dahon ng saging. Congrats to Miss Andi for the soft opening of Kanaway. Surely, pupunta ako d'yan if makakarating kami ng Siargao. Thanks for sharing, Pooh!”


Kabog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page