Engaged na kay KD? ALEXA, IDINISPLEY ANG SUOT NA SINGSING
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 22, 2022

Engaged na ba si Alexa Ilacad?
May posted photo ang singer-actress sa kanyang Twitter account kung saan may suot siyang diamond ring.
Espekulasyon ng mga netizens, real couple na si Alexa at ang screen partner niyang si KD Estrada.
Aside sa diamond ring ay may makikita ring isang kamay na may hawak na piece of red rose.
Walang caption na inilagay si Alexa kaya naman ini-retweet ito ni KD.
Bumaha ng komento dahil sa cryptic post na ito.
Ang iba ay binati sila at biniro kung engaged na nga ba.
Ang iba naman ay nag-comment ng “Wedding bells?” at tinatanong kung kelan ang date ng kasal.





Comments