Enchong, grooms man... WEDDING INVITATION NINA CONG. ARJO AT MAINE, LUMABAS NA
ni Nitz Miralles @Bida | March 24, 2023

Ipinost ng ilan sa mga napadalhan ni Cong. Arjo Atayde ng groomsmen invitation card and gift box ang mga napili niyang maging groomsmen sa kasal nila ni Maine Mendoza.
Isa sa mga nabasa namin ay ang pangalan ng best friend ni Arjo na si Enchong Dee. Mababasa rin ang sagot ni Enchong na “Yes.”
Ibig sabihin, tinanggap ni Enchong ang invitation ni Arjo at ang nakasulat sa card ay “Help! I need Groomsmen! I choose you! Time to suit up! And I can’t imagine doing this without you. Ang mag-NO, may karma (I may or may not be kidding). Good luck!”
Nakapirma si Arjo sa card at may kasama pang heart emoji. Kasama sa invitation card ang groomsmen invitation gift box na kabilang sa mga laman ay Rayban, Singleton at iba pang branded stuff.

Kahit walang sinabi si Arjo kung kailan ang kasal, excited na ang mga fans nila ni Maine at may nag-request na nga na sana, may live para sa mga fans na nasa ibang bansa.
May nag-comment naman na hindi na sila makapaghintay sa tiniyak nilang magiging wedding of the year.
May mga naiyak naman sa saya para kay Maine na si Arjo ang kanyang pakakasalan dahil mahal siya nito at siguradong pahahalagahan at aalagaan siya.
Kailan nga kaya ang kasal nina Arjo at Maine? Parang gugulatin na lang nila tayo at isang araw, ia-announce na nila na they are getting married na.
ang mga dapat itanong.





Comments