top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Empleyado ng mga hotel, kabilang na sa ‘top priority’ sa bakuna

  • BULGAR
  • May 30, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 30, 2021



Tama ang desisyon ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na isama sa A1 priority group ang mga nagtatrabaho sa hotel at iba pang quarantine facilities.


Tulad ng mga medical frontliners, masasabing nasa peligro rin ang kanilang buhay dahil sa madalas na exposure sa COVID-19.

Dahil sa desisyong ito ng IATF, matutupad ng pamahalaan ang nauna nitong pangako na pangangalagaan ang kapakanan at kalusugan ng mga katuwang nito laban sa pandemya.


☻☻☻


Bukod dito, nagpapasalamat tayo sa IATF dahil inilagay nila ang iba pang tourism workers sa A4 priority group na tinatayang mababakunahan sa Hunyo.


Mahalagang mabakunahan ang mga tourism workers at umaasa tayong magsisimula ito as scheduled.


Huwag na magpatumpik-tumpik pa dahil hindi lang tourism industry ang umaasa sa agarang bakuna, kundi lahat ng industriya sa bansa.

☻☻☻


Nais din nating himukin ang mga tourism leaders na makipagtulungan sa pamahalaan para bumaba ang vaccine hesitancy sa bansa.


Ayon sa Pulse Asia survey, 6 out of 10 Filipinos ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.


Bilang eksperto sa marketing at communications, naniniwala tayong malaki ang matutulong ng tourism industry leaders para maipaliwanag nang maigi sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng herd immunity at pagpapabakuna.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page