top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

ELLEN, NAPIKON KAY DEREK, SINABUYAN NG TUBIG SA MUKHA GAMIT ANG PAA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 11, 2022



Nakakaaliw ang video ng asaran ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna habang nagbabakasyon sa Peru.


Sa Instagram ni Ellen, may post siyang, "Someone close the door.... papasok na mga lamok!"


Parehong ayaw tumayo ng dalawa sa kinauupuan. Pinagtatalunan nila kung sino ang magsasara ng pinto.


Ayaw nilang tumayo kaya ang ginawa ng mag-asawa, idinaan sa larong jack en poy.


Si Derek ang nanalo nang dalawang beses kaya si Ellen ang nagsara ng pinto. Tuwang-tuwa si Derek nang matalo niya ang asawa.



Nang biglang nag-tantrums si Ellen dahil natalo, bigla niyang sinabuyan ng tubig si Derek sa pamamagitan ng kanyang paa.


Nakababad kasi ang kanilang mga paa sa warm water, pagtayo ni Ellen ay biglang winisik ang may tubig pang paa sa mukha ni Derek.


Viral ang video clip ng mag-asawa dahil sa kakulitan nila.


Sabi nga ng isang netizen, napaka-funny daw ng celebrity couple, transparent sa kanilang mga jokes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page