ELLEN, GUSTO NANG MAGKA-BABY GIRL SILA NI DEREK
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 11, 2023

Tulad ng kanyang naipangako nang isilang niya si Baby Elias, hindi muna babalik sa showbiz si Ellen Adarna hangga't hindi tumutungtong sa seven years old ang anak nila ni John Lloyd Cruz.
Gusto ni Ellen na personal na maalagaan si Elias at masubaybayan ang kanyang paglaki.
Aliw na aliw si Ellen sa pagiging bibo at malambing ni Elias at wala siyang regrets na mas pinili niyang maging full-time mom kesa sa kanyang acting career.
Five years old na si Elias ngayon. Pero, may bagong hirit si Ellen, gusto raw niyang magkaroon ng baby girl at tiyak na ito ang pinaplano nila ni Derek Ramsay kaya panay ang bakasyon nila abroad.
It seems hindi nga prayoridad ni Ellen ang kanyang showbiz career. Hindi naman kasi siya ang breadwinner ng pamilya at happily married siya at ine-enjoy ang bonding moments nila ni Derek.





Comments