top of page
Pokwang.jpg

Ellen, bad influence raw, John Lloyd… DEREK, TODO-TOMA AFTER MAHIWALAY KAY ANDREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 2, 2021




Dismayado ang ilang netizens sa mga pinaggagagawa ngayon ng hunk actor na si Derek Ramsay na kanyang ipino-post sa social media lalo na't kasa-kasama pa niya si Ellen Adarna, na ang alam ng marami ay bad influence sa kanya.


Ipinakikita ni Derek sa post niya na masaya siya at nag-e-enjoy kahit wala na sa buhay niya si Andrea Torres. Puro ang good time at inuman nila ni Ellen at ng kanilang mga kaibigan ang ipino-post niya ngayon.


Pero, halatang cover-up lang niya ito. Malungkot at empty pa rin ang kanyang buhay. Sarili lang ni Derek ang dinadaya niya.


Sa ginagawang ito ni Derek, lalo lang pinatunayan ng aktor na tama nga ang naging desisyon ni Andrea Torres na makipaghiwalay sa kanya. Hindi pa ganap na maiwanan ni Derek ang pagbubuhay-binata. Gusto niya ng buhay na malaya at walang nagbabawal kung ano ang gusto niyang gawin. Deserve nga nila ni Ellen ang isa't isa.


Ang bagay naman kay Andrea ay isang lalaking seryoso sa buhay at hindi happy-go-lucky na tulad ni Derek. Tahimik na buhay ang deserve ni Andrea at sa tamang panahon, matatagpuan niya ang tamang lalaki na makakasama habambuhay.


Darating din si Mr. Right na handang magpakasal sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page