top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ELLEN, ATRAS NANG MAG-ARTISTA PARA MAGKA-BABY ULI SILA NI DEREK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 28, 2023




Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatanggap ng mga TV projects si Ellen Adarna pagkatapos ng huling sitcom niya na John & Ellen sa TV5 noong taong 2021.


Ayon sa aktres nang makausap namin sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na ginanap last Wednesday sa Bonifacio Global City, ayaw na niya talaga ng mga long hours of taping lalo pa nga't may anak siyang nangangailangan din ng kanyang oras.


"Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap. Alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break," pahayag ni Ellen.


Okay daw sa kanya ang mga endorsements dahil hindi nga naman ito nangangailangan ng long hours of working.


Pati ang asawa niyang si Derek ay mukhang hindi na rin feel na mag-artista pa. Ang tanong, napag-usapan ba nila ang bagay na ito?


"I think, we just met at a perfect time. That, when I met him, parang ayaw na rin niya. I think, because of COVID. You know, parang he realized a lot of things," she said.



Dagdag pa niya, "Alam mo, ibigay na natin sa kanya, kasi 'di ba? He's been working so long in the industry and he's already 47. So, parang puwede naman ding magpahinga at mag-enjoy. He worked hard naman din."


Siya naman daw, basically ay dahil din sa kanyang anak na si Elias kaya ayaw na muna niyang tumanggap ng teleserye or kahit ng pelikula.


"When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there. He's turning 5," sey niya.


Bukod dito ay nagpaplano na sila ni Derek na magkaroon ng baby ngayong taon at siyempre, if ever na mangyari ito, gagawin niya rin dito ang ginawa niyang pagtutok at pag-aalaga kay Elias.


"So, wala pa talaga sa plano ang magbalik (sa showbiz)," sabi pa nito.


Dagdag pa ni Ellen, isa na lang daw ang plano nilang baby since may tig-isang anak na rin sila from previous relationship.


Samantala, isa si Ellen sa mga ambassadors ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center along with Sanya Lopez at noon pa raw ay kliyente na siya ng nasabing clinic, dahil 7 years ago ay dito siya nagpa-laser ng kanyang mga mata at talagang nakatulong daw ito nang malaki sa kanya upang bumalik ang malinaw niyang paningin.


"Before I was kinda blind. Ngayon, ang klaro na ng mundo," aniya.


Ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical that offers Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.


Matatagpuan ito sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City in Taguig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page