top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

ELISSE AT MCCOY, PINAGPIPIYESTAHANG HIWALAY NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 27, 2022




Naka-off ang comment box ng Instagram post ni McCoy de Leon na karga ang anak nila ni Elisse Joson na si Felize at may caption na: “Lagi mong tatandaan na mahal kita.”


Ang basa ng mga netizens sa caption ni McCoy, may problema sila ni Elisse at ang hindi maganda, pinangunahan na ng mga netizens ang mangyayari sa pagsasama ng dalawa.


May mga nag-comment na sana, hindi sila maghiwalay at marami ang unsolicited advice kina McCoy at Elisse.


Nagalit tuloy ang isang fan ng McLisse dahil pinangungunahan daw ang dalawa. Baka may konting problema lang daw sina McCoy at Elisse, pinalalaki ng ibang tao.


Nu'ng December 19 ang post na ito ni McCoy at sa kasunod niyang post, off pa rin ang comment box ng Instagram niya.


Sa parte ni Elisse, mukha namang wala siyang problema dahil open ang comment box ng IG at bumisita pa nga sa Cathy Valencia Skin Clinic for a beauty treatment.


Anyway, kasama si McCoy sa cast ng Deleter, entry ng Viva Films sa MMFF at maganda raw ang box office gross ng pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page