top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Elijah, friend lang daw talaga, Miles… KAKIE, INAMIN NA ANG BF

Writer: BULGAR
BULGAR
24 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 9, 2026



BULGARY - KAKIE, INAMIN NA ANG BF-IG _frankiepangilinan

Photo: IG _frankiepangilinan



Dahil sina Elijah Canlas at Frankie “Kakie” Pangilinan ang magkasama sa pelikulang EDJOP, may bulung-bulungan na ang anak ni Sharon Cuneta ang dahilan kaya raw naghiwalay sina Elijah at Miles Ocampo.


Mariin naman itong pinabulaanan ni Kakie.


Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ng host na napagkakamalan sila ng publiko na magkasintahan ng aktor.


“Napagkamalan pa kayo ni Elijah Canlas na magdyowa,” ani Ogie.

“Talaga po ba?” tugon naman ni Kakie.


At bilang paglilinaw sa isyu, isiniwalat ni Kakie na siya ay nakikipag-date sa isang non-showbiz guy.


Katunayan, napabalita na ngang boyfriend na raw niya ito.


Ayon sa anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, mas pinili muna niyang unahin ang kanyang pag-aaral sa New York bago pumasok sa isang seryosong relasyon.


“From before, no, not in any like formal capacity,” paglilinaw niya tungkol sa kanilang relasyon.


“I just felt like it wasn’t responsible to... it wasn’t something that was my priority there for a very long time, and I think school was my focus,” dagdag pa niya.

Ngayon ay masaya si Kakie sa kanyang relasyon at inilarawan niya ang guy bilang isang mabuting partner.


“He’s just... he’s wonderful!” ani Kakie.


“I didn't feel like anything was right or I didn't want to compromise, you know. I found actually the right... boyfriend,” deklara pa niya.


Hindi naman nagbanggit ang aktres ng name ng umano’y boyfriend niyang non-showbiz guy.


Tinapos din ni Kakie ang pag-uugnay ng kanyang pangalan kay Elijah.

Aniya, isang haka-haka lang iyon at nilinaw niya na walang anumang romantikong relasyon sa pagitan nila ni Elijah.


Tanging working relationship lang daw ang namamagitan sa kanila.

Maaaring nag-ugat ang espekulasyon sa kanilang pagsasama sa pelikulang EDJOP, kung saan kinailangan nilang gumawa ng mga romantic scenes.


Nauna nang ibinahagi ni Kakie na naging mahirap para sa kanya ang paggawa ng mga eksenang may romance dahil bago pa lamang siya sa pag-arte at wala pa siyang gaanong karanasan sa on-screen intimacy.


Mas naging komportable lang daw siya nang tumatagal ang kanilang shooting dahil mas nakilala na niya si Elijah hanggang sa nabuo ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.


Bukod kina Kakie at Elijah, kasama rin sa kanyang unang malaking proyekto ang mga batikang aktor na sina Jodi Sta. Maria, Cedrick Juan at Menchu Lauchengco-Yulo.





Dahil kay Vice…

DARREN AT BRENT, AFTER MAG-VIRAL ANG ASARAN ONLINE, HINAY-HINAY NA



HINDI na gaanong nagbibiruan sina Darren Espanto at Brent Manalo sa It’s Showtime (IS) nitong Lunes (September 7) matapos ang kanilang pag-uusap noong nakaraang linggo na pumukaw ng usap-usapan online.


Kasama ni Meme Vice Ganda sa pagho-host sa segment ng Miss Q&A Season 4: Reyna Talak-era 2026 sina Brent at Darren. Tinanong ni Meme ang dalawa kung ano ang kanilang ipinagdarasal para sa kanya dahil nagtamo siya ng pinsala sa paa habang naglalaro ng pickleball.


Sey ng singer, hangad niya ang mabuting kalusugan ni Vice.


Madamdaming sagot naman ang ibinigay ni Brent, “Ako, sa araw-araw na makita ng mga manonood ang kabutihan ng puso mo. Totoo ‘to, wala ‘tong halong ano.”


Dahil seryoso ang dalawang co-hosts, sinamantala ni Vice ang pagkakataon para asarin ang dalawa.


“So s’ya (Darren), ‘di totoo ang sinabi n’ya? May halong ano ba ‘yung kanya?” pagbibiro niya.

Natawa naman sina Darren at Brent, at sumagot ang una, “Okay lang,” dagdag naman ni Brent, “Ayaw ko nang makipag-away.”


“Magsisimula na naman ba tayo rito?” tanong ni Vice.

“Okay na ako,” sagot ni Brent.


Muling nagbiro si Vice kung paiinitin daw ba nilang muli ang social media. 

Noong nakaraang linggo, ang palitan ng salita nina Darren at Brent sa IS ay umani ng atensiyon online. 


Nag-umpisa kasi ang lahat nang 

magbigay ng compliment si Brent kay Darren sa pagsayaw nito.


Ani Brent, “Ang galing n’yang sumayaw. Halatang galing s’yang The Voice.”

May pagka-sarcasm ang sinabi ni Brent at sumagot si Darren, “Galing akong The Voice, kaya nga multitalented, ‘di ba?”


Wika naman ni Brent na grand winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE), “Ako, subok na ‘ko sa hamon ng buhay dahil nanggaling ako sa PBB.”


Buwelta naman ni Darren, “Parang wala ka namang masyadong ganap du’n sa loob ng bahay,” sabay lapit kay Brent at sinabing, “Joke lang.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page