top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Elementary pa lang, nagkakilala na… CRISTINE, KUMANTA NA KUNG KELAN IKAKASAL SA DYOWANG ABOGADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 28, 2026



BULGARY - CRISTINE, KUMANTA NA KUNG KELAN IKAKASAL SA DYOWANG ABOGADO-IG _cristinereyes

Photo: IG _cristinereyes



Maaliwalas ang mukha ng aktres na si Cristine Reyes nang humarap siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA)


Very serious at mukhang settled na talaga siya sa relasyon nila ni Atty. Gio Tiongson.

Bago nagsimula ang kuwentuhan nina Boy Abunda at Cristine, ipinakita muna ang simpleng proposal ng magkasintahan na kinunan ng anak ng aktres na si Amarah.


Sa background ay maririnig ang boses ng anak ng aktres habang tinatawag niyang ‘Bestie’ si Gio. Cute at very intimate ang eksena ng dalawa, lalo’t parehong simple lang ang kanilang kasuotan at kapwa naka-paa habang nagaganap ang proposal.


Ayon kay Cristine, very low-key at intimate ang proposal ni Gio. Hindi man engrande, ramdam naman daw niya ang sincerity nito. 


Halatang kilalang-kilala ni Gio ang aktres dahil pareho silang hindi mahilig sa sobrang bongga.


Natuwa rin ang mga netizens sa kuwento nilang ‘Agent Orange’ noong grade school days pa lamang sila. 


Mistulang rom-com setup ang kanilang istorya—mula sa marriage booth sa school fair hanggang sa mahabang telebabad at mutual attraction noon, bago tuluyang nagkabalikan pagkalipas ng maraming taon. Kaya marami ang nagsasabing ‘right person, right time’ ang relasyon nila ngayon.


Nang tanungin tungkol sa wedding plans, sinabi ni Cristine na posible itong matuloy sa first quarter ng 2027, bagama’t may posibilidad ding mangyari ngayong taon depende sa preparations.


Aniya, “May date na. Baka next year po, first quarter, if not this year. May mga nagpiprisinta na nga po para maging ninong at ninang, eh.”


Ipinakita rin ni Cristine ang kanyang engagement ring na inilarawan niyang classic ang disenyo.


Sey niya, “I am very happy! Super, inside and out. Siguro ngayon, mas kalmado. Mas malinaw ‘yung mga bagay-bagay.”


Malaking bahagi rin umano ng buhay at mga desisyon ni Cristine Reyes si Amarah kaya marami ang natuwa na kasama ito sa espesyal na proposal moment ni Atty. Gio Tiongson.





TILA sunud-sunod ang intriga na kinakaharap ngayon ng aktres na si Bela Padilla matapos siyang maging usap-usapan sa ilang showbiz circles.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa likod ng kamera.

Ayon sa mga lumabas na ulat, sinasabing nagkaroon umano ng tensiyon sa set ng action series na Blood vs. Duty (BVD), na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez.

Ayon sa ilang usap-usapan, nagsimula raw ito matapos ang cryptic post ng aktres tungkol sa isang ‘day ender’ scene na tila may pinatatamaan. May mga bulung-bulungan din diumano na nakikialam siya sa script at takbo ng produksiyon, at nadawit pa raw ang co-star niyang si Baron Geisler sa isyu na diumanong sinabihan niyang ‘retarded’.

Sinasabi ring umabot umano sa top management ang reklamo kaugnay sa naturang serye, bagama’t wala pang kumpirmasyon hinggil dito.

Bukod sa isyu sa trabaho, napansin din ng ilang mga netizens ang umano’y pananahimik ng AngBeKi friendship nina Angelica Panganiban, Bela, at Kim Chiu.

Ayon sa mga netizens, tila walang naging batian sa social media noong mga nakaraang birthday celebrations, at napansin din umano ang pagkawala ni Bela sa isang birthday dinner ni Kim.

May ilan tuloy na naghinalang may tampuhan sa grupo, na sinasabing nag-ugat umano sa isang interview.

Gayunman, marami pa ring mga fans ang naniniwalang matatag pa rin ang samahan ng tatlong aktres.

Sey ng mga netizens:

“‘Di talaga dadalo kasi walang birthday sa religion ni Bela. Pero ‘di ibig sabihin nu’n na nanlalamig na sila.”

“Busy lang silang lahat, pero solid pa rin ang friendship nila.”

“Fake news ‘yan. ‘Wag silang intrigahin.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Bela Padilla tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya, bagama’t kilala siyang prangka at sumasagot kapag may kontrobersiyang kinasasangkutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page