Elementary, middle at high school... 244 etudyante sa Korea, nag-suicide

ni Justine Berganio @Overseas News | September 15, 2026

Photo: Ang gobyerno ay naglatag ng nationwide strategy upang halos hatiin ang suicide rate ng mga teenager pagsapit ng 2035, kasabay ng panawagan na palakasin ang mental health support sa mga paaralan. File
Umabot sa record-high na 244 elementary, middle at high school students sa South Korea ang nasawi dahil sa pagpapakamatay noong 2025, 64.9% na mas mataas kumpara sa 148 noong 2020.
Batay sa Education Ministry data, kabilang sa mga nasawi ang anim na elementary students, 92 middle school students at 146 high school students. Mas mataas din ito ng 10.4% kumpara sa 221 noong 2024.
Pinakamalaki ang naitalang pagtaas sa Busan; mula pito noong 2024 ay naging 22 noong 2025. Sa Seoul, 51 ang naitala mula sa 40, habang 25 naman sa South Gyeongsang Province mula sa 20.
Samantala, bumaba sa 51 mula 63 ang kaso sa Gyeonggi Province, na may pinakamalaking student population sa bansa.
Kabilang sa mga naiulat na contributing factors ang family issues sa 77 kaso, mental health concerns sa 58, academic at career concerns sa 54 at interpersonal problems sa 38. Hindi naman natukoy ang pangunahing dahilan sa 79 na kaso at maaaring higit sa isang factor ang naitala sa bawat insidente.
Noong Hunyo, naglatag ang gobyerno ng nationwide strategy upang halos hatiin ang suicide rate ng mga teenager pagsapit ng 2035, kasabay ng panawagan na palakasin ang mental health support sa mga paaralan.





Comments