Electrify, magilas sa largahan ng Turf
- BULGAR
- Feb 13, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 13, 2023
Nagpakitang-gilas si Electrify matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, kahapon.
Sinalya ni Yson Bautista, inirehistro ni Electrify ang impresibong tiyempong 1:26.4 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JA Regala ang P10,000 added prize.
Dumating na segundo si Super Master, tersero si Jean Genie habang pumang-apat si Serafina.
Samantala, ginulat ni Illusion ang mga liyamadista matapos manalong dehado sa 3-Year-Old & Above Maiden race na inilarga noong Sabado sa parehong lugar.
Ginabayan ni Jomer Estorque, ipinuwesto nito si Illusion sa pang-apat subalit sa far turn ay nakalapit na ang winning horse sa unahan.
Nakasunod si Illusion sa bumanderang Sky Lover pagpasok ng hometurn kaya bakbakan ang naging labanan sa rektahan. Lumampas si Illusion kay Sky Lover sa huling 75 meter ng karera at nanalo ito ng may isang kabayo ang agwat.
Inilista ni Illusion ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1.400 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Sumegundo si Sky Lover, tersero si Frizmatic habang pumang-apat si Jewel Of The Nile.





Comments