top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Eksperto at grupo ng negosyante, sang-ayon sa rekomendasyong palawigin pa ang ECQ sa NCR plus

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 05, 2021



Isang pinagpala at makabuluhang Linggo ng Pagkabuhay sa ating lahat!


Nawa’y nagamit natin ang panahong ito upang pagnilayan ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat.


Nawa’y patuloy din nating dalhin sa ating mga puso, na tulad ng muling pagkabuhay ni Kristo, ay babangon at malalampasan ng sambayanang Pilipino ang hamon at pagsubok na dala ng Covid-19.


Huwag din nating kalilimutan na nakasalalay ito sa ating sama-samang pagtutulungan, at pag-intindi at pag-unawa sa kapakanan ng ating kapwa.


Patuloy nating ipanalangin na gabayan Niya tayo, lalo na ang ating mga lider, sa araw-araw na desisyon at hakbangin.


☻☻☻


Maraming eksperto at grupo ng negosyante ang sang-ayon sa rekomendasyon na palawigin pa ng pamahalaan ang ECQ sa NCR plus.


Ito ay upang mapababa pa ang bilang ng mga taong nagkakasakit, dinadala sa mga isolation centers at mga ospital, o namamatay.


Kung kaya ay patuloy ang ating panawagan na paigtingin ang science-based at scientific na pamamaraan ng pagsugpo sa COVID-19.


Kasama rito ang maayos, maliwanag, at regular na komunikasyon para sa lahat, mula sa pinakamataas na implementer hanggang sa mga tao sa baba, upang hindi na magkaroon ng pagkalito sa mga bagay-bagay, tulad na lang kung essential ba o hindi ang lugaw.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page